|
shet! ano ba tong nangyayari sakin? bakit kapag nakikita kita at okay tayo ay parang nakakalimutan ko na ang lahat? pero bakit sa tuwing tinitignan ko ang iyong sacred/private space (kung ano yun, sikret) eh nasasaktan ulit ako? hindi ko alam. itong bwisit na space mong ito ang dahilan ng lahat. ang dahilan ng pagbagsak ng mundo ko, ang pagbagsak ng mga pangarap ko. ang sacred space mong ito ang parati kong tinitignan at paulit-ulit na dinadamdam ang bawat salitang nagmumula sayo. at nasasaktan ako kapag siya ang iyong binabanggit. syempre, hindi naman ako yan. malabo. sobra ng isa. ang hirap talaga. ayoko namang patulan ang sinabi ni reynand na kausapin kita. haler? well, ganun talaga, basta si reynand nagbigay ng advice, kakaiba. anyway. hindi ko na alam ang gagawin ko. sa araw-araw na nakikita kita, pilit kong itinatago ang mga saloobin ko. ewan ko kung halata, pero sana naman hindi. mahirap. hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. nararamdaman kong kaibigan lang ako sayo. wala nang hihigit pa. kahit kaunting pag-asa ay wala na ako, kasi sobra ng isa (kung ano to, sikret). pasko na, oo nararamdaman ko ang saya ng pasko, pero sa tuwing naaalala ko na iba ang laman ng puso't isipan mo, parang nagiging isang napakalungkot na pasko ang nasa paligid. ayoko na ring magsalita. baka maipamigay ko na ang pangalan mo dito. baka hindi ako makatiis. |
| Leave a Comment: |