|
hay naku. siyempre, una sa lahat ay manood ng tv. siyempre, medyo nakakanood naman ako ng tv dati pero primetime yun diba? so ngayon, i can watch all the cartoons i can watch sa umaga at sa hapon. aba'y nickelodeon fan ata to! hehe. makakapaglaro rin ako ng computer games. as usual, shockwave, gamehouse or reflexive game ito na dina-download sa internet. at syempre, di naman ako papayag na trial version kaya hanap ng unlock code or crack. hehe. lalo na pag maganda ang game. lalo ngayon, ang nilalaro ko ay diner dash 1 and 2 saka zuma. (update: sa diner dash 2, nasa diner na ako nung japanese at last shift na, kaso di ko maabot yung goal, hehe. sa zuma naman, nasa level 12 ako at antagal ko na dun kaso di ako makaalis. ang hirap eh.) hay... so far yun pa lang ang naiisip kong gawin this break. yun lang naman ata ang pwedeng gawin dito sa bahay. di naman ako makalabas dahil bukod sa nakakapagod at wala akong kasama, eh gastos pa yun! tag-tipid ako ngayon. hay.. binabayaran ko pa laptop ko. grabe. nanganganib na talaga ang acads ko. nakakatakot ang bio 101 ko. nararamdaman ko na ang singko!!! tae talaga. pano, 60.1 lang ang average ko sa lec, tapos sa lab naman, 35.8 lang ang average ko. tapos tae pa yung finals! di talaga pinatawad ni mam. peste siya. mabait sana siya kaso ang hirap niyang magpa-exam. siyet! at ayos na ang sked ko for next sem so di ko na pwedeng kunin ulit yun. sa summer naman ay physics ang kukunin ko so 1st sem nalang siya ulit. so magte-take ako ng plant physiology sa 2nd sem. tae talaga! pano kung di ko ipasa yun? eh di hindi ako ga-graduate? that's so bullshit!! grrr. so kumusta naman ang social life ko? eto, malapit na akong ma-expel sa mmc! pano, super delinquent ko! wala rin akong pinasang month sa org. puro singko! hahahaha! hay... pano, naging abala rin ako sa acads, work and sa isa pang affiliation. tawagin natin itong org#2. madalas kasi ako sa org#2. kapag may break, tambay ako dun. mas pinipili ko siyang tambayan kaysa sa mmc. 3 beses lang ata ako tumambay sa mmc na nag-log in ako. kapag pumupunta ako doon na napaka-rare namang mangyari, di ako naglo-login. after kasing maging member ako ng org#2 ay nag-iba ang paniniwala ko. dati kasi, ok lang. naiintindihan ko na ok lang tumambay 3 hours per week. eh 6 hours naman kasi yung free time ko. pero, ngayong member na ako ng org#2, diba dapat hinahati ko ang time ko for the 2 orgs. so dapat may 3 hours pa ako para sa org#2 kung tatambay ako ng 3 hours sa mmc, pero di ganun. una, siyempre, may mga kailangan akong gawin na related sa acads ko during break time. saka, kakain pa ako. or minsan sadyang ayaw mo lang diba? aminado naman ako na i prefer going to the tambayan of org#2. imbes na pumunta ng mmc, sa org#2 ako tumatambay. bakit? wala kasing pressure na nararamdaman. una, di mo kailangang maglog-in. di ka ipe-pressure na imeet yung required tambay hours dahil wala naman talaga. pangalawa, syempre, may mga bago kang kakilala dahil new member ka sa org na yun so syempre, mas gusto mo pang makilala ang mga new-found orgmates and friends mo. at pangatlo, dahil hindi ako nakaka-attend ng activities at singko nako sa org, parang ayoko nang magpakita sa kanila. hehe. di rin ako nakakapunta ng activities ng mmc dahil late yung mga activities. usually 5:30 ang time ng activities tapos di pa magsisimula yun on time. sa org#2, di naman talaga maaga ang activities, actually, may GA kami every week na 5:30 ang simula pero minsan naman di rin natutuloy kapag walang pag-uusapan. well at least nagsisimula yun on time naman kahit papaano. kapag walang quorum, minsan sinususpend na rin. di ko naman sinasabing mas maganda sa org#2 noh. may flaws din yun kahit papaano. siyempre isa na doon ang hindi pag-attend ng members kaya nauuwi rin minsan sa pagsuspend ng GA or late mag-start. saka late talaga dumating ang mga members sa ibang activities kaya talagang nade-delay ang nasabing activity. sa GA hindi naman masyado dahil late na at gustong umuwi ng maaga (or may gagawin pa after like.... grill 51! haha!) pag may GA kasi, nagtatagal talaga kami dahil maraming pinaguusapan, lalo na at malapit na ang anniv. sa mmc kasi, nagtatagal lang naman kasi antayan ng quorum.. marami kasi kami kaya malaki rin ang number ng quorum kaya matagal mag-antay. tapos kapag decision-making, medyo matagal, pero ayos lang naman. ang isa rin palang nagpapatagal sa gen meet sa mmc ay mga kulitan. ok yun, masaya nga eh pero minsan sobra na kaya masyadong matagal. ayun. ang paniniwala ko ngayon, kung talagang gusto mo, gagawin mo. ako pa, pag gusto ko, gagawin ko. kung gusto ko talagang tumambay, tatambay ako. kung gusto talagang tumambay ng members, tatambay sila whether required or not. bakit sa org#2, kahit di naman required, may taong active talaga sa pagtambay. may iba naman na hindi masyado pero pag kailangan lalo na pag may activities, andun naman sila. sa mmc rin naman nakikita ang ganun. bakit may inactive naman na tumatambay talaga dahil gusto nila. pero syempre, di rin naman maiiwasan na may mga taong gustong tumambay pero di nila magawa. pero bakit kailangan silang i-punish in some way like mababa ang grade from the membership committee? pano kung in their heart gusto talaga nila pero di nila magawa dahil kunyari graduating tapos super busy talaga. di niya magawang tumambay pero pumupunta naman sa activities. pano yung ganung cases? eh di hindi siya uno? pano kung gusto niya talaga pero di niya magawa? saka may mga inactive rin naman na tumatambay dahil the schedule permits it. pano yung ganun? hindi naman nare-rewardan yun diba? wala naman kasi silang grade sa org. sa mga activities naman, may mga activities talaga na hindi ko pinupuntahan. una sa lahat ay time constraint. hindi lang ito dahil lagi akong may exam or may gagawin na plate sa bio or something pero dahil hindi ko rin kasi hawak ang oras ko. hindi ako pwedeng gabihin dahil sort of strik ang feyrents ko. kaya di rin ako makapunta sa activities. at saka laging may plate na kailangang gawin or lab report na kailangang tapusin. kahit pa sa makalawa pa yun due, kailangan na yung gawin dahil hindi siya ganun kadali. isa pa, why would i choose to attend an activity that i do not believe to be that important (kunyari, eggs n nuts or geologs na activity ng ibang org or pagimik ng mga committees) to the organization. yeah, they promote social development between the org members, pero mas importante pa ba yun kaysa sa acads ko? siguro kung gen meet, kailangang-kailangan talaga. pwede namang ipagpaliban ang paggawa ng lab report, pero kung ibang activity, why would i bother? ang isa ko pang maipagmamalaki sa org#2 ay naiintindihan nila na ako ay isang estudyante at bilang estudyante, responsibilidad ko ang mag-aral more than my responsibility to the org. kapag may exam, excused sa activity. o diba, ayos? sa mmc, well, hindi naman lahat ganun, pero may mga people na kahit exam mo sa makalawa at kailangan mo talagang mag-aral ay sasabihan ka pa na umattend dahil pwede ka namang mag-aral bukas. what the heck. hindi ganun kadali yun. sana kung GE subject siya diba? but no, major yun. pero meron ka pa daw isang araw para mag-review. hay... kahit na hindi acad org ang org#2 at acad org ang mmc, parang mas dama mo pa ang importance ng acads sa org#2. sabagay, pino-promote kasi at objective namin ang academic excellence, whatever field it may be. kaya may parusa kung may 4, 5, drop at absent sa class. kailangang pumasok! kung hindi, may parusa. sa mmc, take note, acad org ito, pero may mga magsasabi sayo na wag ka na lang pumasok. tambay ka na lang. hahaha. hay... ayun... yun lang naman ang thoughts ko about the org. dati kasi, di open ang horizon ko dahil sa mmc lang naman ako. ngayon, may org#2 na at mas maraming bagay akong na-realize na flaw sa org ko. di lang naman org#2 ang basis ko dahil naging applicant rin naman ako sa isa pang org (di ko nga lang tinuloy) at nakita ko rin naman kahit papaano kung paano sila magpalakad kahit sandali lang ako naging app. may mga friends din naman kasi ako dun kaya may alam din ako kahit papaano. basta hindi rin required ang tambay hours sa mem. sa isa ring bio org tulad nun ay ganun din, at sa dalawang engg org at sa isang interest org, at kung saan pa. ayun. |
| Leave a Comment: |