Monday, February 26, 2007
waiting in vain

arrgh!! i'm still into him. it's like every day is a mixture of joys and tears that i feel for whatever we have right now. i very much appreciate the friendship. it's not like what i had from other people before, there is something different that i really do appreciate.

but at the back of my mind, the happiness that i feel is nothing compared to the pain of waiting in vain. waiting...again. i might sound evil when i say that i'm waiting for them to break up, but i am.

this has happened before. there was this guy who i thought i had something special with, but he ended up having a girlfriend and i really did pray that they break up. eventually, they did, but that was after the time i realized that he is not worth my time. there are better guys out there.

and now, it's happening again. there he is, happy with his someone special. and here i am, waiting again. waiting for the time that he would eventually give me some attention. i just hope that when that happens, it's not too late.

i don't know. it's not like the relationship that my ex-someone special and his ex-girlfriend had. this one is more serious. the one that my ex-SS had was sort of a fling and he wasn't really that serious. but this one, i think it would last long. and that would mean i would have to wait longer. besides, their relationship just started and it's hard to end something that just started, right? [ding]

what if they were not together? would there be an "us"? would that be an enough reason for something special to grow?

i really hate this feeling. much more that the guy is taken. you just can't do anything because he is in a relationship. it's like waiting indefinitely.


Posted at 11:31 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Thursday, December 28, 2006
ultra blogging

ultra blogging to! tantananan!!!

perst:
   haha. registered voter nako. haha. well, medyo matagal na. mga dec 17 ata yun. mabilis lang ang papers kasi as a barangay yun eh pero ang tagal magpa-picture! nakakaloka. super dami ng nagpapa-picture nung mga panahon na yun kaya super tagal talaga. whole day kami dun. buti na lang may free lunch. hehe.

sekhond:
   nakapag-christmas malling na ako before christmas! woohooo! ang saya talaga. pumunta kami sa carriedo (in front of quiapo church) nung dec 23 para mamili for ourselves. haha. ansarap talaga pumunta sa tiangge. andaming bagay na mabibili dun for cheap prices na hindi mo rin naman makikita sa mall. kung makikita mo, rare siya at sobrang mahal talaga. hehe. hmm.. nakabili ako ng 2 belts, 4 blouses, saka 1 pack ng DVD ng naruto (w/ 4 CDs). sulit rin naman kasi from episodes 1-182 siya. ang haba. di ko pa tapos.

terd:
   nakapag-get together na naman kami ng aking super friends, ang shots. kaso wala si chen. chen! we miss you! haha. nag-magic sing kami kanina. haha. di ka tuloy nakakanta. hmm.. nung umaga hanggang mga 3pm andun kami kina meanne. nood ng "it started with a kiss" saka kain to the max. haha. meanne! salamat sa food at sa place!!! tapos nun, lumipat kami sa bahay nila penny. hehe. salamat sa cheesedog at sa apple juice na may brandy! haha. lasingan na to! salamat rin sa magic sing. ahihihi.

port:
   sa saturday, may lakad na naman. sa bahay ng aking cuzin. get together. hmmm...

pip:
   i'm happy now. wala mang naging pagbabago, basta i'm happy. i love this sem! ayoko mang harapin na ang mga nagaalab na mga exam papers at bluebooks, excited na akong bumalik sa school. hehe. c",)


Posted at 08:15 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Saturday, December 16, 2006
ansaya ng party

ansaya ng party ng bio kahapon! wooh!! xbox to the max kami!!! astig talaga! simula ata umaga nagsimula na sina dino. kami naman nag-sm muna tapos after nun, pumunta na kami sa kanila at ayun, mega-laro hanggang sa matuto. hahaha.

masaya naman siya. masaya talaga actually. although may bitterness ako kasi una sa lahat ay umalis ako ng maaga. di kasi ako pwede sa mga overnights. wag niyo na lang itanong dahil lalo akong maiinis at malulungkot.

siyempre malungkot rin ako kasi di ko naabutan yung nabunot ko. parang yun ung pinaka-highlight ng christmas party diba? ang exchange gift? kaso di ko siya naabutan eh. ang lungkot talaga. well sana magustuhan niya kahit nagpalit siya ng wish.

anyway, ang natanggap ko ay ang stainless longganisa ni bob ong. hehe. ayos naman ung book kaso di ko pa tapos eh. di bale, tatapusin ko. hehe.

ayun. at siyempre, sad rin ako (pero wala na itong kinalaman sa party) dahil siyempre nga, sakit sa puso. kung pwede ko lang sabihin sa kanya ito:

"ano ka ba? manhid ka ba? hindi mo ba alam na ikaw? haler?! tinatanong mo pa kung sino, alangan naman sabihin ko sayo at sa harap ng iba pa na ikaw. hay naku."

pero siyempre, di ko gagawin yan dahil di ko kaya. kahit pa makapal ang mukha ko sa pagpapa-extend ng exams, deadlines and all, pagdating sa mga ganyang bagay, di ko talaga kaya. hay.


Posted at 02:54 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Thursday, December 14, 2006
shet

shet! ano ba tong nangyayari sakin? bakit kapag nakikita kita at okay tayo ay parang nakakalimutan ko na ang lahat? pero bakit sa tuwing tinitignan ko ang iyong sacred/private space (kung ano yun, sikret) eh nasasaktan ulit ako?

hindi ko alam. itong bwisit na space mong ito ang dahilan ng lahat. ang dahilan ng pagbagsak ng mundo ko, ang pagbagsak ng mga pangarap ko. ang sacred space mong ito ang parati kong tinitignan at paulit-ulit na dinadamdam ang bawat salitang nagmumula sayo. at nasasaktan ako kapag siya ang iyong binabanggit. syempre, hindi naman ako yan. malabo. sobra ng isa.

ang hirap talaga. ayoko namang patulan ang sinabi ni reynand na kausapin kita. haler? well, ganun talaga, basta si reynand nagbigay ng advice, kakaiba.

anyway. hindi ko na alam ang gagawin ko. sa araw-araw na nakikita kita, pilit kong itinatago ang mga saloobin ko. ewan ko kung halata, pero sana naman hindi. mahirap. hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.

nararamdaman kong kaibigan lang ako sayo. wala nang hihigit pa. kahit kaunting pag-asa ay wala na ako, kasi sobra ng isa (kung ano to, sikret).

pasko na, oo nararamdaman ko ang saya ng pasko, pero sa tuwing naaalala ko na iba ang laman ng puso't isipan mo, parang nagiging isang napakalungkot na pasko ang nasa paligid.

ayoko na ring magsalita. baka maipamigay ko na ang pangalan mo dito. baka hindi ako makatiis.


Posted at 10:51 pm by piNky
may sasabihin ka??  

it's christmas all over the world

yebah! damang-dama ko na ang pasko! it's christmas all over (the world tonight...)!

bio 120, maagang dinismiss, feeling ko tinamad na rin si sir. hehe. (as if)

bio 115 lab: di natuloy ang key-out, pasko naman.

chem 1: quiz lang tapos uwi na, pasko na raw kasi

bio 115 lec: botanical xmas is uno! woohoo!! ambait ni sir! sulit sa effort!

bio 120 lab: ala. cge, pasko na. lagi namang pasko sa subject na to. hahaha. (wat das dat min?)

eto pa: di tuloy exam bukas sa 150. yahoo! angaling namin magconvince! wahahahaha! ambait ni mam. kahit may lec bukas, ayos lang! haha!

at feel na feel ko na ang party bukas. may plans na. after 150 lec, gawa ng 140 tapos drop off lang ako ng gifts sa MMC at PSD at ayun, mall na. tapos, punta na kina nico for the "pre-xmas party" party of some sort! haha.

anyway, di ko pa rin nakakalimutan ang aking heartache. pero mas natatanggap ko siya every day of my life. pero siyempre, nakikita ko rin naman siya all over the place so para siyang bacteriostatic chorvaness. haha. nire-retard lang niya ang pain kapag di ko nakikita pero dahil hindi naman siya tuluyang nawawala, it harts u noh?! haha.


Posted at 10:32 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Wednesday, December 13, 2006
pasko

malapit na mag-pasko at andaming parties sa paligid. in the spirit of christmas, gusto ko maging happy muna at kalimutan ang heartaches.

anyway, may batas ba na nagsabing kailangan sa 15th mag-party? kaloka. puro sa 15th lahat. MMC sa 15th after the lantern parade (mga 7:30 siguro. ung PSD sa 15th din, 6pm naman kasabay ng party ng bio sa bahay ni Nico. hay... gusto kong puntahan lahat pero malabo.

sa MMC ang nabunot ko ay si **a** *. sa PSD naman si **** (haha hirap hulaan) at sa bio ay si *a*****. wala pa akong regalo kay **a** *. hala. pero sa nabunot ko sa bio, bumili nako nung weekend. sana talaga matuwa siya... gusto ko happy nabunot ko. kung mayaman lang ako, lahat ng wishes nila ay tutuparin ko.

sa mga friends nman, mukhang konti lang mabibigyan ko ng gift. tag-hirap talaga ako ngayon. binabayaran ko pa laptop ko. hehe.

haha. may regalo na sakin si randolf. salamat randolf! =)

dapat pala nag-aaral ako ngayon. exam sa friday sa 150. buti nalang walang genetics.


Posted at 10:32 am by piNky
may sasabihin ka??  

Monday, December 11, 2006
bleeding... again

for the nth time in my life, here i am again at this stage. at the stage where my whole world falls down on me, at the stage where all my hopes fail, at the stage where I am bleeding again... inside.

it seems just yesterday when i had a thing for guy1, but when he had a girl, i didn't really care. i guess it was the reason why falling for "him" was not hard. i guess my heart was empty when he came.

it thought i got the right signal, but then, i was mistaken...again. it was not what he was thinking. it was not the same "wavelength" as what i would often say. just like what robert said, good deeds often seem to be the right signals, but then they would explode on your face and you'll just fall into pieces.

how i wish i am her. how i wish i am in her place. how i wish to get a piece of that special feelings you have for her.

what the heck. i would never be somebody else. i would never be her. i would never be with you. i would just be me, a friend, a sister, what else? bestfriend?

this feeling is the most cruel thing that exists. yeah, i'm crying right now. sitting in front of the computer, typing emotional words at 11:54 pm for nothing. you wouldn't be able to read this anyway. as if you would even care to think about doing it.

whatever. i'm miserable. i keep on thinking, is my laughter a mask of what i truly feel? right now, yes. but maybe, that laughter has faded. the happiness is gone. will i be whole again? i hope so. but not now. i'm shattered into pieces.


Posted at 11:39 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Sunday, October 22, 2006
title? di ko naisip yan...

sem break na naman. as usual, sa bahay lang ako. ayos lang. masaya nga eh. time to relax and do things i wanted to do lalo na kapag may exam kinabukasan tapos may nakikita kang isang bagay na gusto mong gawin kaso, di mo magawa kasi nga exam kinabukasan. ano ba yung mga yun?

hay naku. siyempre, una sa lahat ay manood ng tv. siyempre, medyo nakakanood naman ako ng tv dati pero primetime yun diba? so ngayon, i can watch all the cartoons i can watch sa umaga at sa hapon. aba'y nickelodeon fan ata to! hehe.

makakapaglaro rin ako ng computer games. as usual, shockwave, gamehouse or reflexive game ito na dina-download sa internet. at syempre, di naman ako papayag na trial version kaya hanap ng unlock code or crack. hehe. lalo na pag maganda ang game. lalo ngayon, ang nilalaro ko ay diner dash 1 and 2 saka zuma.
(update: sa diner dash 2, nasa diner na ako nung japanese at last shift na, kaso di ko maabot yung goal, hehe. sa zuma naman, nasa level 12 ako at antagal ko na dun kaso di ako makaalis. ang hirap eh.)

hay... so far yun pa lang ang naiisip kong gawin this break. yun lang naman ata ang pwedeng gawin dito sa bahay. di naman ako makalabas dahil bukod sa nakakapagod at wala akong kasama, eh gastos pa yun! tag-tipid ako ngayon. hay.. binabayaran ko pa laptop ko.

grabe. nanganganib na talaga ang acads ko. nakakatakot ang bio 101 ko. nararamdaman ko na ang singko!!! tae talaga. pano, 60.1 lang ang average ko sa lec, tapos sa lab naman, 35.8 lang ang average ko. tapos tae pa yung finals! di talaga pinatawad ni mam. peste siya. mabait sana siya kaso ang hirap niyang magpa-exam. siyet! at ayos na ang sked ko for next sem so di ko na pwedeng kunin ulit yun. sa summer naman ay physics ang kukunin ko so 1st sem nalang siya ulit. so magte-take ako ng plant physiology sa 2nd sem. tae talaga! pano kung di ko ipasa yun? eh di hindi ako ga-graduate? that's so bullshit!! grrr.

so kumusta naman ang social life ko? eto, malapit na akong ma-expel sa mmc! pano, super delinquent ko! wala rin akong pinasang month sa org. puro singko! hahahaha! hay... pano, naging abala rin ako sa acads, work and sa isa pang affiliation. tawagin natin itong org#2. madalas kasi ako sa org#2. kapag may break, tambay ako dun. mas pinipili ko siyang tambayan kaysa sa mmc. 3 beses lang ata ako tumambay sa mmc na nag-log in ako. kapag pumupunta ako doon na napaka-rare namang mangyari, di ako naglo-login. after kasing maging member ako ng org#2 ay nag-iba ang paniniwala ko. dati kasi, ok lang. naiintindihan ko na ok lang tumambay 3 hours per week. eh 6 hours naman kasi yung free time ko. pero, ngayong member na ako ng org#2, diba dapat hinahati ko ang time ko for the 2 orgs. so dapat may 3 hours pa ako para sa org#2 kung tatambay ako ng 3 hours sa mmc, pero di ganun. una, siyempre, may mga kailangan akong gawin na related sa acads ko during break time. saka, kakain pa ako. or minsan sadyang ayaw mo lang diba?

aminado naman ako na i prefer going to the tambayan of org#2. imbes na pumunta ng mmc, sa org#2 ako tumatambay. bakit? wala kasing pressure na nararamdaman. una, di mo kailangang maglog-in. di ka ipe-pressure na imeet yung required tambay hours dahil wala naman talaga. pangalawa, syempre, may mga bago kang kakilala dahil new member ka sa org na yun so syempre, mas gusto mo pang makilala ang mga new-found orgmates and friends mo. at pangatlo, dahil hindi ako nakaka-attend ng activities at singko nako sa org, parang ayoko nang magpakita sa kanila. hehe.

di rin ako nakakapunta ng activities ng mmc dahil late yung mga activities. usually 5:30 ang time ng activities tapos di pa magsisimula yun on time. sa org#2, di naman talaga maaga ang activities, actually, may GA kami every week na 5:30 ang simula pero minsan naman di rin natutuloy kapag walang pag-uusapan. well at least nagsisimula yun on time naman kahit papaano. kapag walang quorum, minsan sinususpend na rin.

di ko naman sinasabing mas maganda sa org#2 noh. may flaws din yun kahit papaano. siyempre isa na doon ang hindi pag-attend ng members kaya nauuwi rin minsan sa pagsuspend ng GA or late mag-start. saka late talaga dumating ang mga members sa ibang activities kaya talagang nade-delay ang nasabing activity. sa GA hindi naman masyado dahil late na at gustong umuwi ng maaga (or may gagawin pa after like.... grill 51! haha!) pag may GA kasi, nagtatagal talaga kami dahil maraming pinaguusapan, lalo na at malapit na ang anniv. sa mmc kasi, nagtatagal lang naman kasi antayan ng quorum.. marami kasi kami kaya malaki rin ang number ng quorum kaya matagal mag-antay. tapos kapag decision-making, medyo matagal, pero ayos lang naman. ang isa rin palang nagpapatagal sa gen meet sa mmc ay mga kulitan. ok yun, masaya nga eh pero minsan sobra na kaya masyadong matagal.

ayun. ang paniniwala ko ngayon, kung talagang gusto mo, gagawin mo. ako pa, pag gusto ko, gagawin ko. kung gusto ko talagang tumambay, tatambay ako. kung gusto talagang tumambay ng members, tatambay sila whether required or not. bakit sa org#2, kahit di naman required, may taong active talaga sa pagtambay. may iba naman na hindi masyado pero pag kailangan lalo na pag may activities, andun naman sila. sa mmc rin naman nakikita ang ganun. bakit may inactive naman na tumatambay talaga dahil gusto nila. pero syempre, di rin naman maiiwasan na may mga taong gustong tumambay pero di nila magawa. pero bakit kailangan silang i-punish in some way like mababa ang grade from the membership committee? pano kung in their heart gusto talaga nila pero di nila magawa dahil kunyari graduating tapos super busy talaga. di niya magawang tumambay pero pumupunta naman sa activities. pano yung ganung cases? eh di hindi siya uno? pano kung gusto niya talaga pero di niya magawa? saka may mga inactive rin naman na tumatambay dahil the schedule permits it. pano yung ganun? hindi naman nare-rewardan yun diba? wala naman kasi silang grade sa org.

sa mga activities naman, may mga activities talaga na hindi ko pinupuntahan. una sa lahat ay time constraint. hindi lang ito dahil lagi akong may exam or may gagawin na plate sa bio or something pero dahil hindi ko rin kasi hawak ang oras ko. hindi ako pwedeng gabihin dahil sort of strik ang feyrents ko. kaya di rin ako makapunta sa activities. at saka laging may plate na kailangang gawin or lab report na kailangang tapusin. kahit pa sa makalawa pa yun due, kailangan na yung gawin dahil hindi siya ganun kadali. isa pa, why would i choose to attend an activity that i do not believe to be that important (kunyari, eggs n nuts or geologs na activity ng ibang org or pagimik ng mga committees) to the organization. yeah, they promote social development between the org members, pero mas importante pa ba yun kaysa sa acads ko? siguro kung gen meet, kailangang-kailangan talaga. pwede namang ipagpaliban ang paggawa ng lab report, pero kung ibang activity, why would i bother?

ang isa ko pang maipagmamalaki sa org#2 ay naiintindihan nila na ako ay isang estudyante at bilang estudyante, responsibilidad ko ang mag-aral more than my responsibility to the org. kapag may exam, excused sa activity. o diba, ayos? sa mmc, well, hindi naman lahat ganun, pero may mga people na kahit exam mo sa makalawa at kailangan mo talagang mag-aral ay sasabihan ka pa na umattend dahil pwede ka namang mag-aral bukas. what the heck. hindi ganun kadali yun. sana kung GE subject siya diba? but no, major yun. pero meron ka pa daw isang araw para mag-review. hay...

kahit na hindi acad org ang org#2 at acad org ang mmc, parang mas dama mo pa ang importance ng acads sa org#2. sabagay, pino-promote kasi at objective namin ang academic excellence, whatever field it may be. kaya may parusa kung may 4, 5, drop at absent sa class. kailangang pumasok! kung hindi, may parusa. sa mmc, take note, acad org ito, pero may mga magsasabi sayo na wag ka na lang pumasok. tambay ka na lang. hahaha. hay...

ayun... yun lang naman ang thoughts ko about the org. dati kasi, di open ang horizon ko dahil sa mmc lang naman ako. ngayon, may org#2 na at mas maraming bagay akong na-realize na flaw sa org ko. di lang naman org#2 ang basis ko dahil naging applicant rin naman ako sa isa pang org (di ko nga lang tinuloy) at nakita ko rin naman kahit papaano kung paano sila magpalakad kahit sandali lang ako naging app. may mga friends din naman kasi ako dun kaya may alam din ako kahit papaano. basta hindi rin required ang tambay hours sa mem. sa isa ring bio org tulad nun ay ganun din, at sa dalawang engg org at sa isang interest org, at kung saan pa. ayun.

Posted at 10:23 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Tuesday, September 19, 2006
obsessed ba ako?

maraming nagsaabing obsessed daw ako sa mga taong gusto ko. sabi nila, masama daw yun. eh pano ba nila nasabing obsessed ako? eto ang mga dahilan:

- kinukuha ko ang picture niya sa friendster. (pero di un grabbed, magaling ako eh. di niya malalaman)
- inaalam ko ang whereabouts niya kung may kakilala akong alam kung asan siya ng ganitong time, etc
- inaalam ko ang buong pangalan niya
- lagi kong tinitignan ang profile niya sa friendster
- kapag nagsasalita siya, nakikinig akong mabuti
- laging siya ang bukambibig ko
- palagi ko siyang iniisip
- pinapakita ko sa mga friends ko ung pic niya at kinukuwento ko siya sa kanila
- tinitignan ko ang mga pagbabago sa kanya (tulad ng buhok, etc.)
- i'd be willing to get a makeover para mapansin niya ako
- nag-shopping ako para makapag-paganda at mapansin niya
- humihingi ako ng advice from the "expert"
- nanli-libre ako ng food kapag gusto niya
- pati brods namin nililibre ko rin para "sumipsip"
- pag may gusto yung brods ibibigay ko para "sumipsip"
- kahit old school at ancient na, nagfe-flames pa rin ako
- pinapatulan ko ang mga chain msg sa friendster tungkol sa lovelife
- wallpaper ko sa phone ang pic niya
- kahit may exam ako ng 1:00 pm kapag MTh, tumatambay pa rin ako para makita siya
- kahit ngayong 1:30 na lang ang class ko kapag MTh, tumatambay pa rin ako para makita siya
- kahit na may trabaho ako pag weekends, basta may activity na andun siya pupunta ako at aabsent sa work
- nalulungkot ako pag wla siya sa tambayan at hinahanap ko siya
- di nako nagpapakita sa isa kong org kasi mas tumatambay ako sa soro dahil sa kanya
- kahit na hindi oras ng pagtambay niya, pumupunta pa rin ako baka sakaling andun siya

at marami pang iba

obsessed ba ako? kung oo, eh ano nman?! if you really want something, you'd go for it diba? kahit pa may kasabihan na if you really want something everything in the universe will make it happen, naniniwala ako na you have to strive for it. kaya super follower ako ni X ngayon for advice about guys.


Posted at 12:34 am by piNky
1 na ang umalma  

Wednesday, May 24, 2006
ang bio 102. bow.

yebah! bakasyon na talaga! tapos na ang summer classes, tapos na rin akong mag-finals! yeah! hindi ko makakalimutan ang summer na ito!

nakakaloka ang bio 102. kaya pala nung nalaman ng iba nung enrolment na yun ang isa-summer ko, sabi nila, "pinky, nagpapakamatay ka ba?" now i know. pero ayos na rin. sa 1st sem, sila naman ang sasabihan ko, "nagpapakamatay ba kayo?" isabay ba naman kasi nila sa bio 101, sa chem 40 at sa elective (kung pinalad silang makakuha). haha.

i love bio 102! dahil sa kanya, numb nako sa exams! bibigyan niyo ako ng 5? i want more!! nyahahahha! 10 kaya ang exams namin. tapos instead of 4 weeks ang class namin, 3 weeks lang dahil may seminar ang mga mahal naming guro. tapos instead of 5 days, 4 days lang dahil 4 day workweek sa IB nung summer. so 2 1/2 hrs ang lec tapos 5 hrs ang lab. san ka pa? sobrang marathon ito. hahaha. pati exams namin marathon din. 1 or 2 days lang ang gap ng exams tapos kung mag-exam kami, 2-3 times a week. isn't that great? nyahahaha.

nag-finals tuloy ako. di ko kinaya. haha. tinulugan ko kasi ang pag-aaral ng first exam ng lec. di ko kinaya ang 120 pages ng 1 gabi. haha. bagsak tuloy ako. dahil rin sa 102 natuto akong wag matulog ng 24 hours para mag-aral buong gabi hanggang umaga. ayos.

immune na rin ako sa baho ng wiping solution (na ini-ispray). malakas na rin ang sikmura ko. at natuto rin akong kumain sa lab kahit na maraming buto sa paligid. nawalan rin ako ng social life. puro 102 people ang nakakasalamuha ko, tapos sila rin lang ang tinetext ko dahil importante, maliban dun, wag na. busy ako. haha.

wow. i love bio 102. isang malaking pasakit sa buhay na kapag nalagpasan mo na, isang malaking tinik na matatanggal. hahahaha.

***
pahabol na bakasyon


BAKASYON NA!!!!!!!! may swimming daw ang ofc. sana matuloy kahit late na. hehe.

yebah! makakapag-enjoy at makakatulog na naman ako kahit 1-2 weeks lang. yey!


Posted at 03:19 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Next Page



ako si
: :pinky: :
: :student: :
: :up diliman: :
: :bs biology: :
: :cuteMMCer: :
~mahilig sa bag
at mag-bowling
at sa moth
at sa butterfly
at kay pooh!~
~madaldal
pero mabait~
promise!
hehe!

<< September 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30



tAgbOaRd: LeAvE a meSsaGe!




the most wasted day is that in which we have not laughed...


~~friends' page~~

dan
fleur
fleur
ivy blossom
jesy
kathy
kyle
pong
randolf
viki
woody

~~atbp~~

Pi Sigma Delta Sorority
Pi Sigma Fraternity
UPMMC
my alma mater
peyups
line dance
friendster

~~more of ASOUE~~

the official site
the author
the movie
the mischief maker









HITS COUNT
Free Counter
Free Counter

back to the HOME page








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed