 |
 |
 |
|
Tuesday, April 11, 2006
wahahahaha! ansaya ng enrolment kahapon! hahaha. ambilis ko for the second time. hehe. eto na ang record holder ko. haha. yung una kasi ay nung first year first sem at obviously talagang mabilis siya. nagpabagal lang sakin ay dahil sa hindi ko alam kung saan pupunta. haha. pero kahapon, na-break na ang record! haha. natapos ako ng around 10:30 am. haha. ambilis.
nagpabilis na rin ang pagkawala ni mam R.R. kahapon kasi nung si mam Basiao ang adviser, sinabi namin na yung classcards sa bio 12 di pa nire-release pero exempted kami sa finals kaya pinayagan na rin niya kami mag-take ng 102. hehe. pero totoo naman yung sinabi namin.
*** swimming after ilang years
ilang taon na ba akong hindi lumalangoy? 2 years? busy kasi. haha. nag-swimming kami nung sunday, pero grabe, sandali lang. pano, sobrang init! ayoko nga! kaya pag malilim, langoy agad. hehe. tapos bad trip pa, nasugatan ako! nabalatan yung paa ko! haha. antalas kasi ng hagdan nila noh. ansakit tuloy. haha. pati yata connective tissue tanggal na! haha. jowk! hanggang epithelial lang haha. pero mga ilang layers ng epidermis din yun. haha! kaya ayun, nung enrolment, iika-ika ako! haha. parang pilay! haha.
Posted at 02:11 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Wednesday, March 29, 2006
whew! kala ko magta-take ako ng finals sa bio 12! imagine... 10:45 ngayon ang release ng last exam tapos 1:45 ang exam. kmusta naman yun? buti na lang at mabait si sir, nung nakita niya kami kanina, binigay na niya. buti na lang di ako nag-effort mag-aral. hehe. saka nagyayaya sina sheila lumabas. manonood daw ng sine. eh di syempre sasama ako. (kahit may exam sa chem sa friday huhu). 11:30 pa kami magkikita, magbo-bowling muna ako. tagal ko nang di naglalaro. si reynand kasi...
pano ba naman, last week, dapat magbo-bowling ako after nung exam namin sa bio, kaso ang tagal namin sa library. ayaw ako paalisin. hmp. tuloy d ako nakapaglaro. anytime this week sasabog nako. baka bukas.
makaalis na nga. maglalaro pa ako. hehe.
Posted at 09:41 am by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Monday, October 17, 2005
whew! kala ko kailangan na ang mag-removals. hehe. muntik nako. mabuti na lang at hindi. pano, may mga kakilala ako, lahat ng subjects, exempted! samantalang ako, lahat ng subjects, hindi! hmp! buti na lang. tapos yung mga prof ko pa, di pa nagbibigay ng classcards. kinailangan ko pa tuloy silang hanapin at antayin buong araw para lang malaman ko kung dapat ba akong mag-remove. mabuti na lang at hindi. hay!
pero wala pa rin yung sa math 54, pero ayos lang yun kasi matagal pa ang removals dun, november 5 pa at hindi ko siya masyadong problema dahil wala na akong math at hindi naman pre-requisite yun sa mga major subjects ko. wahehehehe.
yung sa geog naman, kahit confident akong papasa ako, wala pa rin yung classcard namin at gustong-gusto ko na siyang kunin. pati rin yung sa pe. nandyan na nga pala yung sa pe, hindi ko lang tinitingnan. mamaya na lang bago umuwi.
sa bio 11, muntik na! kasi ang removals ay bukas, at siyempre kung saka-sakaling magre-remove ako, kailangan ng classcard. loko tong IB, sa oct. 20 pa daw sila magre-release. ayun, pinuntahan ko si mam. sabi naman niya pasado ako. hehe. mababa nga lang.
sa chem 26! haha. ilang beses akong nagpabalik-balik sa NSRI para hanapin si mam dahil sabi niya ngayon daw niya ibibigay yung classcards. eh 10:00 na wala pa rin siya. bumalik ako ng mga 11:15 nakita ko siya patawid ng chem. ayun. hinabol ko. pumasok sa may IC window, pero wala pa rin yung class card. isusubmit pa raw niya yung grades. mamayang hapon daw. pero sinabi na niya sakin yung grade ko. ayus naman. mababa. hehe.
sa chem 26.1! naku. buti na lang andun si mam. hindi kasi siya nagbigay ng standing namin. sabi niya sa classcard na lang daw namin malalaman. eh di hinanap ko siya. mabuti na lang at may papasok sa room niya, tinanong ko kung andun siya. yey! at sinabi naman niya na hindi ako magreremove. yey! hehe. pero di ko lang alam ang grade ko.
Posted at 01:30 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Thursday, September 01, 2005
andito ako ngayon sa feel-kwa. san ba un? sikreto... himala! hindi ako sa bahay gumagawa ng entry. pano kasi, walang panahon sa bahay. pagdating ko dun, aral na ako agad... hay... kaya eto... blogging sa feel-kwa. kesa naman kumain ako ng pagkatagal-tagal, e di mag-computer naman! hehe. nararamdaman ko na ang pwersa ng kalangitan. eto na naman ang vruum vruum ng langit. hay. uulan na naman. pano naman magiging napakasarap ng ice cream kung malamig ang panahon?
teka, parang walang kwenta ang pinagsususulat ko rito. tsk tsk. *** walang title
sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit. mahal ang mga gamot. kaya, wag lalabas ng bahay. magkulong sa kwarto. mag-exercise. kumain ng sapat. wag manood ng tv ng buong araw. bente kwatro oras. hahaha. sabi nga, masama sa katawan ang manood ng tv buong araw kaya wag manonood ng 24 oras. hahaha. ***
welga ako
eto, political statement ko. bakit ganun tayo? gusto na nating i-impeach si gloria? este ang mga tao pala. hindi pala ako kasama dun. kung bumoto ako nung 2004 elections, si gloria ang iboboto ko. basta gusto ko lang. oo, siya nga ang nasa hello garci tape. boses niya yun. pero kahit inamin niya yun, nakakasiguro ba tayong nadaya tayo? nasisiguro ba nating ginawa nga ni garcillano yung sinabi ni gloria? pano kung nagsinungaling si garci? at saka, hindi ba pwedeng manalo siya? bakit, si erap nga nanalo at alam naman nating hindi siya nandaya at nanalo siya dahil malakas siya sa masa, pero na-impeach pa rin siya. isipin niyo yun, gusto na ng taumbayan, naimpeach pa! nasisiguro ba natin na hindi talaga gusto ng tao si gloria nung eleksyon? ngayon galit ang mga tao, dati rin naman nagalit ang tao kay erap pero aminado silang siya ang binoto nila. tsk tsk. isa pa, puro na lang tayo rally. kung ako rin ang president, papabayaan ko na ang mga nagrarally. wala na akong pakialam sa kanila. bakit? napakarami na nila! hindi ba nila nare-realize na wala nang sense ang ginagawa nila? kahit nga sa up, naiinis na ako kapag may rally. oo nga, minsan masaya dahil nasususpend ang class, pero minsan nakakaasar na kasi nasasayang ang araw natin. sayang ang binabayad para sa tuition. sa mga nagtatrabaho pero laging nagrarally, bakit ganon? bakit hindi na lang nila ayusin ang mga trabaho nila? baka sakaling mas marami pa silang perang kitain. saka para na rin matulungan ang ekonomiya natin. hindi ba nila nare-realize na sa sobrang gulo na ng bansa, walang nang nag-iinvest sa atin? lalo tuloy naghihirap ang mga tao. tapos reklamo pa ng reklamo, hindi na lang magtrabaho. saka wala naman silang napapala dahil hindi naman nila nakukuha ang gusto nila, nasasaktan pa sila. sayang lang ang pagod. saka puro sila sabi ng sabi ng EDSA, eh wala na rin namang sense ang ginagawa nila. nawawala na ang spirit ng totoong EDSA. sinabi sa tv, whatever happened to our honor? tama yun. wala na ngang honor sa gobyerno, pati taumbayan kinakalimutan na ang honor nila.
ang gulo na ng bansa natin. lahat kasi nagrereklamo, lahat nagsasalita, walang nakikinig. nakikinig lang tayo sa mga pagkakamali ng ating administrasyon. ang media rin naman kasi. bakit kapag pagkakamali, masyadong highlighted sa balita? eh bakit kapag tumaas ng konti ang piso o kaya naman bumaba ang presyo ng langis, hindi naman ganun ka-emphasized? diba nga dapat mas binibigyang importansya ang magagandang balita para naman mabigyan ng hope ang mga tao? okay rin naman ang mga sensational news pero sana bawasan ang paggawa ditong sensation.
hay naku. tama na nga to. baka may sumugod na sa bahay ko.
Posted at 06:12 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Saturday, August 06, 2005
10:41 pm. leche. marahil nagtataka kayo kung bakit sobrang gabi na nang maisipan kong magsulat. well, dahil bulok na ang blog ko at ito na lang ang panahon para makapagsulat.
ako si wonder woman. pumapasok araw-araw sa up. sa up kung saan nagiging unti-unti nang miserable ang buhay ko. oo, masaya sa up. enjoy talaga. pero hindi ko na makayanan ang dami ng mga dapat gawin. hay! well, naisip ko, magaling ako. dahil natatapos ko pa rin ang mga dapat tapusin on time kahit na nagtatrabaho ako tuwing weekends. isama mo pa ang org. siyempre di pwedeng pabayaan. go MMC!!!
ako talaga si wonder woman. gumigising ng alas-singko y media ng umaga araw-araw kahit inaabot na ng alas-tres ng umaga ang pagtulog. nakakatulog na ako sa mga klase ko. hindi ko matiis. hay. kaya nga may absent na ako sa geog dahil kapag inaantok kasi pinapalabas. di na lang ako pumasok.
ako si wonder woman. taking up 21 units ngayong sem excluding PE at CWTS. isang aktibong miyembro ng org kapag walang klase, at isang empleyado. kumusta naman ang buhay?
ako talaga si wonder woman, na masakit ang pwet.
*** siguro naman naiintindihan niyo na ang dahilan ng hindi paguupdate sa blog na ito. :)
Posted at 11:49 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Friday, June 03, 2005
enlistment sa sm fairview
ano pa nga ba ang magiging mas exciting pa para sa mga estudyante lalo na sa elementary sa darating na pasukan kaysa sa mga bagong gamit? well, bukod sa baon, wala na.
ako, medyo lang. kung dati ay shopping spree na umaabot sa libu-libo ang ginagastos namin sa national bookstore, ngayon, less than 500 na lang ang nagastos ko. siyempre dati, nandyan ang mahabang listahan ng mga school supplies tulad ng manila paper, cartolina, art paper, bond paper, felt paper, at kung anu-ano pa. idagdag mo pa dyan ang notebooks sa bawat subject. tapos, hihingi pa ng binder para sa minor subjects. hay naku.
siyempre, dahil may sukli mula sa pera ko pang-enroll, go na ko sa bookstore para bumili ng gamit. notebook lang ang binili ko, yung para sa limang subjects na naka-bind. basta, isa siyang version ng binder. ayun. tapos bumili na naman ako ng g-tec for the third time dahil maluwag na naman ang takip nung g-tec ko. tapos, bumili na rin ako ng ballpen na retractable. sosyal ako, pilot. hehehe. tapos bumili ako ng lead para sa mech pen. nadenggoy nga yata ako kasi di ko napansin na pilot yung binigay sakin, 23 pesos ba naman! samantalang 9 pesos lang yun dati kong binibili. baka naman hindi nababali yan. siguro parang bakal ang tigas niyan. hahaha! ayun lang. tapos ruler para sa bio 11 ko. ayun. wala nang kung anu-ano na binibili. hindi naman ako pupunta ng art angel para gumamit ng mga art paper at iba pa.
ang aga ko pa nga kanina sa sm. sarado pa. 9:45 ako dumating. galing kasi ako ng up para magbayad at hindi man lang ako nagtagal sa pila ng 10 minuto. ang bilis. pagdating ko sa sm, kala mo enlistment sa mst subjects. ang haba. ang aga-aga pero ang dami nang tao. at halos lahat sila, sa national bookstore din dumagsa. hay.
*** destiny yey! may schedule na ako. eto na!
MTh
8:30 - 9:45 Math 54
10:00 - 1:00 Chem 26.1
1:00 - 2:30 Chem 26
3:00 - 4:00 PE
TF 8:30 - 9:45 Math 54 10:00 - 11:30 Geog 1
1:00 - 2:30 Bio 11 lec
2:30 - 5:30 Bio 11 lab
Wed
8:30 - 12:00 CWTS
grabe na to. destined talaga ako para sa MB 302. pangatlong sem ko nang room yun sa math. grabe. at talagang destiny dahil manual enlistment to, at nag-antay pa kami ng matagal para sa mga magpapa-cancel. at yung nagpa-cancel, MB 302 pa talaga. ayos. destiny!
Posted at 04:33 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Thursday, June 02, 2005
enrolment na naman. ang aga kong pumunta sa CS para kumuha ng form 5A ko. tapos kanina, yey! di ko nakalimutang kunin ang form 5 ko. hahaha! ayun. go na sa IB. aba, akalain mo, ang haba na ng pila ang aga pa! siguro mga 9:10 pa lang yun. so ayun, mega pila. sabi ko, okay pa yan. carry yan. 10:30 pa naman ang enlistment ng mga CS subjects ng mga A-E ang surname kaya pwede pa. wala kasi akong math 54 at wala nang slots ang 8:30. aba! peste! 11:00 na ako natapos sa pre-advising. ang tagal... kwentuhan to the max sila. siguro yung mga graduating gusto na nilang sabihin mam, pwede mamaya niyo na ubusin yang siopao niyo? 11:00 na po... hahaha. ang tagal talaga.
well, natapos din ng 11:00 so go na sa math. peste. walang slot para sa math 54 ng 8:30. si abi kanina meron sana kaso, wala siyang classcard. tsk tsk. kailangan kasi. ayun... sayang. so ayun... si kuyang nag-eenlist nginitian na namin ng todo, drinamahan namin, kinindatan, wa epek! wala talaga. so ayun... antay-antay para sa magpapa-cancel ng slot. yey! merong isa! at ayun, na-enlist na rin ako kahit 11:40 na yun. buti na lang mabait si kuya. pumayag kahit lagpas na sa oras. yey!
si abi walang nakuha. tsk tsk. ayun.. nag-antay siya hanggang 5PM dun. ano kayang nangyari?
at ayun... post-advising na!! medyo maikli yung pila. siguro third batch kami. ang tagal pa rin. 3:00 na ako natapos, tapos naglakad pa ako papuntang CS para sa lib. tapos.. naku.. ang haba ng pila sa assessment! hay. nung natapos, mega-takbo ako sa AS para magbayad kaso, sarado na!
pero ayos lang. kasi, dahil aalis ako bukas, siyempre, baon na naman. hehehe. saka pwede na ring mag-sandals dahil hindi na ako tatakbo, pila na lang! yey!
grabe, kapagod. pero buti na lang talaga at 99% done na ako. yey!
Posted at 08:41 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Wednesday, June 01, 2005
mag-aapat na taon na nung una tayong maging magkaibigan. hindi ko naman talaga inaakalang magiging magkaibigan tayo dahil mukha namang hindi tayo parehas ng interes.
second year highschool. bad trip ako sayo nung una. ang tingin ko sayo laging galit at kaunting bagay lang eh maiinis na. inis talaga ako sayo noon. hindi ko na matandaan kung nasagi ba kita or may nasabi ako na hindi ko sinasadya at nagalit ka na lang. kaya nagalit din ako sayo.
pero pano nga ba tayo naging magkaibigan? basta ang alam ko nun, madalas kang umuupo sa platform sa classroom dahil kinakausap mo yung katabi ko. tuwing wala kang magawa, andun ka. nagpapatulong ka yata sa katabi ko na manligaw. ewan.
dahil doon, naging magkaibigan tayo. kahit papaano nag-jive ang personalities natin. mahilig din naman ako sa music tulad mo. at pareho tayong naiinis sa mga bully at naaawa dun sa binubully na classmate natin na minsan eh tayo na rin mismo ang nambubully.
unti-unti, nag-iba ang tingin ko sayo. mula sa galit stage, sa walang paki stage, sa friend ng friend ko stage, sa friend ko stage, naging i like you more than as a friend stage. at dun na nagsimula ang mga taon ng halong saya at lungkot.
masaya dahil naging close naman tayo kahit papaano kahit na alam ko kung sino talaga yung mahal mo nun. malungkot dahil iba nga yung gusto mo. naaalala ko pa yung mga panahong kinikiliti mo ako habang nagwawalis ako sa classroom. parang gusto ko nang bitawan yung walis. saka nung tumatawag ka pa sa bahay, kwentuhan lang tapos kinakantahan mo pa ako.
pero naaalala ko talaga yung seniors' prom natin. galit na galit ako sayo nun nung sinayaw mo ako. ang saya ko nung una. inisip ko, moment natin yun. kaso bigla kang bumulong sakin, sabi mo tumingin ako sa likod ko. naiiyak ka na. pagtingin ko, kasayaw nung babaeng gusto mo yung isa pang nagkakagusto sa kanya. gusto sana kitang apakan, kaso baka palabasin ako ng hotel.
kung spark din lang ang pag-uusapan, sayo ko lang naramdaman yun. yung kapag nagsha-shake hands tayo umiikot yung tiyan ko. yung kapag kausap kita sa phone kinikilig ako at abot tenga ang ngiti ko. akala ko talaga hindi kita makakalimutan. akala ko, forever ko nang kakantahin ang "i'll be over you" para sayo. pero hindi. dumating sa point na ang kinakanta ko na ay "and now i'm almost... over... you..." at ngayon, salamat naman at talagang masasabi kong past is past*.
pero kahit na ganun, hindi ko pwedeng sabihin na gusto kong kalimutan ang nakaraan. mananatili pa rin ang mga magagandang alaalang iniwan mo sa akin. naging masaya ako sa mga panahong nakalipas na magkasama tayo kahit na iba naman talaga ang gusto mo.
*ganun pala ang pagmo-move on. hindi basta-basta. at malalaman mong nakapag-move on ka na kapag hindi mo masyadong naiisip. nung una kasi, lagi kong iniisip na kailangan kong mag-move on pero hindi nangyari. kapag pala hinayaan mo lang, mawawala na rin ang nararamdaman mo.
Posted at 04:53 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Thursday, May 26, 2005
Posted at 08:44 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Wednesday, May 25, 2005
officially, summer na para sa akin. ano ba kasi ang normal na gawain ko kapag summer? eto: gising, kain, nood tv, kain, computer, tulog, gising... paulit-ulit. ayun. kaya officially summer na. tapos na yung work namin, tapos na summer classes, tapos na ring mag-swimming ang mga kamag-anak ko. kaya ayun, summer na. at summer na walang swimming. hehe. pero ayos lang, mas okay nga yun noh para pagbalik namin sa work sa june, ganun pa rin ang kulay ko. hehehe.
*** ang crs... ulit.
hay... eto na. nagulo na ang sked ko dahil sa CRS. kunsabagay, di na kasi ako freshman. wala nang privileges sa CRS. anyway, kaya nagulo nung una ay dahil first sa priorities ko ang math 54. kaso, ang gusto ko 8:30 pero ang binigay sakin, 10:00 kaya wala akong nakuhang chem 26! badtrip. ayun... inulit ko. sa wakas, may nakuha akong chem kaso una ang lab. badtrip pa rin pero pwede na. ngayon, wala talagang math. pano, 16 units na yung enlisted, 5 units ang math. di na pwede. makakaranas na talaga ako ng manual enlistment. hay... good luck!
Posted at 12:14 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
|
|
 |
|
 |
 |
 |
ako si : :pinky: : : :student: : : :up diliman: : : :bs biology: : : :cuteMMCer: : ~mahilig sa bag at mag-bowling at sa moth at sa butterfly at kay pooh!~ ~madaldal pero mabait~ promise! hehe!
|
 |
|