Tuesday, October 26, 2004
mga tanong... at ang aking mga kasagutan

(*)bakit kailangang naka-sapatos sa chem lab at bakit bawal ang contact lenses?

 

:hmm... ito, alam ko na! siyempre, sa chem lab, may mga chemicals na corrosive, flammable, acidic, at talaga namang dangerous. naku, kung clumsy ka at naka-tsinelas ka lang sa lab, malaki ang probability na matunaw, masunog, masugatan, at mag-init ang paa mo kapag natuluan ka noh! at bakit bawal ang contact lens? kasi, may mga vapors na pwedeng pumasok sa pagitan ng mata at contact lens mo, at hindi makakahinga ang mata mo kapag nangyari yun. isa pa, may probability rin na dumikit yang contact lens mo sa mata mo, at forever ka nang naka-contact lens, which is masakit!

 

(*)bakit kailangang magpa-cute? importante ba iyon?

 

:hindi ko alam... pero para sa akin, hindi naman importante iyon. kadalasan, ang mga taong hindi marunong sa art na ito ay hindi daw nagkakaroon ng relationship. aba, may mga tao namang pa-cute nang pa-cute, hindi pa rin nagiging cute noh! isa pa, hindi ninyo ba alam, na kadalasan (i'm not generalizing, ok?), ang mga nabubuong relasyon na nagmula sa pagpapa-cute ay hindi nagtatagal? bakit? kadalasan kasi, ito ay tinatawag na "fling" at naka-base sa physical appearance... walang emotions involved... kaya, walang kwenta. at isa pa, hindi ninyo ba alam na may mga tao rin namang nagkakagusto sa mga tao sa totoo nilang sarili? you'll never know...

 

 

(*)bakit nakakainis minsan ang mga coño?

 

:hmm… actually, hindi naman kasi lahat ng taong coño ay nakakainis. tama ang dinig ninyo, hindi lahat. kasi, may mga taong coño na naging coño dahil sa nag-aral sila sa mga schools na… hmm… basta, alam ninyo na yun. Sila yung mga richie rich at araw-araw na nag-iingles sa paaralang kinalakihan nila. ngayon, ang mga iyon ay nahihiyang magsalita fluently in english dahil baka sabihin ng iba na elitista sila. kaya sinusubukan nilang mag-tagalog pero minsan masagwa. ewan… pero parang mas maganda na lang na mag-english sila kaysa naman coño. yung mga nakakainis naman ay yung mga taong richie rich din… naging c0ño dahil ayaw matawag na elitista, pero sa pag-uugali naman ay angas-angasan. may mga ginagawa silang bagay na nagpapakitang elitista sila!!! grrr! at yung isa pang nakakainis ay yung kabaliktaran naman. mga nag-iinarte! marunong namang mag-tagalog pero nagpupumilit na baluktutin ang ingles para kunwari richie rich din sila! sila yung mga trying hard at feeling! yun ang mga kainis!

 

 

 

more to come...

 

p.s. kung may tanong, feel free to ask, at susubukan kong sagutin. :)


Posted at 05:51 pm by piNky
may sasabihin ka??  

oh no!!

oh no talaga!! grabe! hindi mai-release ang classcard ko sa kas 1 dahil hindi daw ako nagpasa ng oral at written report! naku naman! pero yung mga groupmates ko may grade! naku talaga! kailangan ko pang magpagawa ng certification. ang laking hassle!!! grrr!!! kainis! sana man lang na-double check na yun noh! kasi kasama ako nung nagpasa nun, alangan namang andun ako pero hindi ko nakita na wala yung pangalan ko dun diba? kainis talaga! pero buti na lang, naka-hold pa rin, kaysa naman incomplete diba? hehe... pero oh no talaga!!!

 

naku... sa sobrang depression ko, bumili tuloy ako ng bag. oh well... buti na lang may nakita akong magandang bag dun eh. naku... swerte talaga. hehehe... ang daming ibang cute, pero kapag nag-isip ka pang kaunti, maiisip mong pangit pala siya. hehehe... ayun... pero yung binili ko, ilang beses kong tiningnan, pinag-isipan, nilayasan at binalikan, cute pa rin. wahehehehe! kaya ayun... kumpleto na naman ang araw ko!

 

hay... gusto ko na talaga ng iced white chocolate ng starbucks. namimiss ko na! paano ba naman... sa katipunan lang ang pinakamalapit na starbucks sakin noh! at tinatamad naman akong pumunta doon. kaya ayun... hehehe!

 

 wala nakong masabi. inaantok nako. nahihilo na yata ako. paalam!


Posted at 03:37 pm by piNky
2 na ang umalma  

Sunday, October 24, 2004
mabuhay! may sched nako!

mabuhay! may schedule nako for the second sem. nabigyan din ako ng karampatang 19 units ng CRS. mabuti naman... nakuha ko rin ang kulang na 6 units! yahoo! yun nga lang, may na-skip na ako sa curriculum. pero ayos lang. pano ba naman, yung MST kong GE ay limited ang choices. dahil daw bio ako, hindi pwede ang bio 1, chem 1 (dahil may chem 16), nat sci 1, nat sci 2, at hindi rin yata pwede ang geol 1 dahil may geol 11 ako... pero di ko sure. tapos yung math 1 & 2 ay hindi naman encouraged dahil nag-math 17 na ako. that leaves me with envi sci 1, mbb 1, physics 10 and STS. naku naman... ang naunang 3 ay dinagsa ng mga nag-CRS so napakaliit ng probability na makukuha ko yun noh. tapos, yung STS naman, panggulo ng sched so wag muna ngayon. hehe... so ayun... nagdagdag na lang tuloy ako ng GE na AH in lieu of MST. hay!

ayun... so eto ang sched ko... kalungkot nga lang dahil todo takbo ang dapat kong gawin kung ayaw kong ma-late:

MTH

8:30-10:00 Lingg 1

10:00-11:15 Math 53

11:30-1:00 Fil 40

1:00-2:30 EL 50

3:00-4:00 PE 2


TF

8:30-10:00 Chem 16 lec

10:00-11:15 Math 53

1:00-4:00 Chem 16 lab


so ayun... medyo maluwag ang TF ko kaso nga lang from chem pav ay kailangang magmadali para sa math 53 ko. siyanga pala, ang aking PE ay duckpin bowling. hehe... ang gusto ko talaga nung una ay bridge, kaso ang hirap mag-ayos ng sched. tapos table tennis, kaso dinagsa naman ng mga enlisters ang time na gusto ko. so ayun... bowling na lang... hehehehe... c",) mabuhay ang CRS team!!!!!! mahal ko na kayo! wahehehehe!


Posted at 10:52 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Thursday, October 21, 2004
my outburst!

naiinis ako!! sobra! ewan ko ba! siguro ito yung tinatawag nilang selos na feeling. grr!! naiinis ako kapag may nagsasabi sa kanya na babae na cute siya, o kaya gusto niya siya kapag kumakanta or naggigitara, or kapag may nagsasabing mamimiss daw siya nung girl. ewan! kainis talaga! alam ko namang i don't have the right. i always didn't have the right! so wala akong magagawa diba? hanggang blog na lang! pero buti na lang, dito, i can have the wildest outburst that i want to have diba? kahit na magsisigaw ako dito, walang makikialam. besides, wala namang masyadong nagbabasa nito. at isa pa, hindi ninyo rin naman kilala yung tinutukoy ko diba?

 

aarrgghhh!!!!!!! naiinis talaga ako!! alam niyo yun? parang feeling ko tuloy, ang dami kong karibal. weird diba? pero ganun talaga. parang ang daming girls all around that person. nakakainis!!! tapos feeling ko pa, kinalimutan na niya ko! at saka, balewala ako. sob! huhuhu! (sorry for the sour graping) parang wala na ako. di na ako nage-exist sa mundo niya! am i that cruel to other people? hindi naman siguro. tanungin ninyo pa kay ___.

 

parang ang dating tuloy ay heart throb siya at ang dami talagang may gusto sa kanya. naiinis ako!!!!!!!! grabe! ang hirap talaga kapag may gusto ang girl sa isang guy pero parang hindi naman nage-exist yung girl sa mundo ng guy. so sad at so kakainis talaga!!!!!!!! grrrr!!!!!! naiinis talaga ako!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

 

*selos* *selos* *selos* aaaarrrrrggggggggggghhhhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!!!!!!


Posted at 11:11 pm by piNky
2 na ang umalma  

yahu!

nakuha ko na ang class card ko sa math 17! hay! ang saya ko dahil naka-75% pa ako sa finals! grabe! di ko talaga inee-expect yun! ang inaasahan ko nun mga 50 or 60 lang... pero, naka-75% pa ko! yehey! at masaya na rin ako sa grade ko... kahit na flat 2 lang siya, relatively, mataas na rin yun noh! isa lang naman kasi ang 1 at 2 ang 1.75. tapos yung iba, 2 pababa na! pwede na rin! hehehehe!!

 

bago pa nun, naulanan pa ako ng slight lang. pano ba naman, pag-alis ko dito sa bahay, maaraw. tapos habang papalapit na sa philcoa, padilim na nang padilim hanggang sa umulan sa may tandang sora. eh wala akong dalang payong. pera, phone at ID lang ang dala ko kanina. so ayun... sa kabutihang palad naman ay humina ang ulan nang bumaba ako ng fx. at pagdating ko sa campus, unti-unti namang lumiliwanag. ang gulo ng panahon kanina! buti na lang hindi todo ang buhos ng ulan kanina. hay... sheer dumb luck! hahahahaha!! c",)


Posted at 10:52 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Monday, October 18, 2004
ang araw na ito...

weird ang araw na ito... medyo... una sa lahat, nanaginip ako kagabi... at napanaginipan ko ang isa kong classmate nung highschool. basta, special siya. nakita ko raw siya sa mall. pero kanina, iba yung nakita ko. well actually, hindi naman sa mall eh kundi papunta sa mall. nakasakay ako sa jeep, tapos nakasakay siya sa kabilang jeep. nagulat pa nga ko eh (pero siyempre hindi naman yung shocked reaction na OA) pero siya, parang alam niya na nandun ako. ewan... siguro, feeling ko lang, pero alam mo yun, wala lang... para talagang alam niya na andun ako. eh special din yun sakin eh. tapos, nung nasa national bookstore ako kanina, may narinig akong kanta. yung "how do you keep the music playing." eh yung kantang iyon, connected sa taong napanaginipan ko kagabi. wala lang... weird diba? hindi ko nakita yung gusto kong makita pero parang nagparamdam. weird diba? hehe...

hmm... nakita ko pa yung classmate ko nung highschool. sa national pa... kakatapos nga lang nung "how do you keep the music playing" tapos bigla na lang siyang dumating... hehe... ang kanta na ay "just once." hehe... wala lang... ni-share ko lang.

hay... nae-excite nako... magbo-bonding kami ng aking friends bukas... kami ng shots. hehehe... ang shots ay tawag sa aming 6 na magfe-friends. kung bakit shots, yun ang di ko alam. basta ang natatandaan ko lang, habang gumagawa kami ng project sa physics nun eh sinabi ni cheness na lagyan daw namin ng shots yung project namin. yung buntot pala yun ng rocket na ginawa namin, na nung mismong araw na ng rocket launching ay nawalan na ito ng pakpak at buntot. ulo na lang ang natira... walang design... hay... at yun nga... sabi ni chenggoy, ilagay daw namin sa buntot ng rocket ang shots (sa di malamang kadahilanan) at napa-oo na rin kami... hehe... c",)

malapit na ang foundation day sa tone! oct 20-24. pinapapunta nga kami ng mga classmates namin para mag-bonding... hehe... puro bonding... hehe... oh well... why not? masaya naman yun ah! at nang makita na rin ang pagbabago sa mga pagmumukha ng mga taong iyon! hehehe! c",)

Posted at 07:38 pm by piNky
1 na ang umalma  

Sunday, October 17, 2004
why do i love UP?

a few weeks after the start of classes last june 2004, many of my classmates in highschool whom i have kept constant communication with through MIRC kept saying "namimiss ko na ang tone, ang corridor, si mama thelms, ang buong kezon." one even went back and hugged many teachers there.during those chat conversations, i kept silent. why? hindi ko namimiss ang tone. baket? kasi mahal ko ang UP.

 i can still recall those days back in elementary. before i knew of the existence of "quezon" (the one and only cream section) in highschool, i dreamed of going to UP. before i had thought of what course to take, i dreamed of taking it in UP. pero bakit ko nga ba mahal ang UP?

hmmm... ganito lang yan... life in UP suits my style. they say it is hard because of the expectations (which i have not yet encountered), because life there is different, not spoonfeeding. so what? back in highschool, where you get to mingle with the people who had the guts to rely TOTALLY on a person, it seemed like you were working all by yourself.

i also love the academic freedom... diba mas masarap mag-aral kapag gusto mo yung pinag-aaralan mo? but i can't blame them in highschool if they teach not so important and not so significant things because highschool is the stage of learning. kumbaga, sa college, you focus on a field already. one more thing, kahit mahirap, you can fix your own sked (kung hindi guguluhin sa crs), unlike in other universities that while you are in a class, you should already be changing for your pe uniform because the sked is too tight!


maganda rin ang environment. it's not like the other campuses that are on the side of the road or too small. and it seems like you are not in manila... you are away from pollution and other environmental problems of the country.

 

try mo rin na maglakad sa buong campus... if you are not a student there, you would think that every person you see is a student. paano, hindi mo aakalaing prof yung iba. ang bata pa nga nung iba eh. pero wag ka, matatalino at magaling yang mga yan. yun nga lang, sometimes, there are professors that don't care about the students. kung may conflict ka sa sked, kebs! naku... pero in fairness, magaling silang magturo. yung iba nga lang, hindi literally nagtuturo. they give you a lot of paperworks and projects instead of teaching.

 

hmmm... bakit ko nga ba mahal ang UP? maraming dahilan... isingit mo pa dyan yung pe subjects. back in highschool, every year, the first lesson that you would learn is the definition of physical education, physical fitness, components of physical fitness, blah blah blah. paulit-ulit. kainis. kabisado ko na nga yun eh! by heart pa!! pero pag 2nd and 3rd grading naman ay totoong physical activity na tulad ng table tennis, swimming, volleyball, etc. pero in highschool, kung di ka varsity kunyari ng jazz, you cannot dance jazz. hmp!

 

at isa pa, sabi nila, if you don't work hard, matatanggal ka sa UP, kick-out daw. ayaw mo nun, dun talaga mate-test ang galing mo! kapag di ka nagsumikap at pumasa ka, magaling ka talaga! wahehehehehehehe!!!

Posted at 11:09 am by piNky
may sasabihin ka??  

Saturday, October 16, 2004
sem-ender na bukas!!!

hay... sem-ender na bukas... at di ako makakasama... kasi, overnight yun eh. sa laguna... swimming siya kina perci sa pansol... so ayun... at induction din ng new mems ng mmc... oh well, di naman ako pwedeng ma-induct dahil hindi pa ako nagu-ucd eh! hay... next sem pa... kaloka...


ayun... hmmm... malapit na ang foundation day ng tone! gusto ko ngang pumunta sa monday kasi pupunta na rin ako ng UP, might as well dumaan diba? pero sabi kasi ni woody eh sa tuesday na lang kasi pupunta sila ni maricris... at least may kasama na ko! tapos battle of the bands daw sa oct 22, at siyempre di ako pupunta noh! gabi kasi... matutulog na lang ako. at sa 24 na yata ang last day kaya sugod naman lahat ng kaklase ko. hay... sana naman ay makita-kita kami doon noh! how i wish!


Posted at 09:00 pm by piNky
2 na ang umalma  

Friday, October 15, 2004
a comment on "love of my life?"

this is the link. check this out --->> love of my life?

now for my comment... hmm... i don't know. i'm not sure if i will feel that feeling 17 years from now... maybe... it's possible. i think it may happen that even a long span of time passes, you still have the same feeling for a person. the same spark that you feel when he is around, when you talk on the phone, when you receive messages from him. maybe it is possible.

 

when i read the article, all i thought of was, "mangyayari rin kaya to samin?" (will this happen to us?) will it still be him, 17 years from now? will that mark he left in me 3 years ago would still be the same mark that i will carry on 17 years from now? will i still have butterflies when we shake hands? will i still have that irremovable smile on my face when he calls me? will it still be the same???

 

i had the feeling of loneliness or homesickness or whatever you call that after reading the article... and i had one thought... will it still be the same 17 years from now?

Posted at 06:55 pm by piNky
may sasabihin ka??  

UPD'S SCIENTIA NEEDS YOUR CS HORROR STORIES

SCIENTIA, the official student publication of the College of Science of UPD, is in need of the following for its November issue:

 

1) Your CS teacher horror stories (Kayo na bahala mag-define kung ano ang horror para sa inyo...either super terror or whatever). The name of the sender & the teacher won't be revealed in the article, blind item ang drama nito...kaya `wag matakot!

 

2) Your ghost stories sa kahit saang building sa CS. If you have pictures of the encounter/s, kindly attach them to the email, too.

 

Kindly email your stories to WITTY_IVY@YAHOO.COM . Pls put on the subject line: CS HORROR STORY/IES so we won't mistake your email for spam. Pls don't send spam and fabricated stories.

 

Btw, if you've previously sent your stories to SCIENTIA2004@YAHOO.COM, kindly resend it to the witty_ivy email add. We've forgotten the password for the scientia2004 account so we can't access it.

 

Pls tell all your friends (who are UPD students/alumnus/alumna) who might have the horror stories we're looking for to also email their stories to WITTY_IVY@YAHOO.COM. Or simply copy this msg & paste it on your Friendster bulletin boards or blog or anywhere (Just don't forget to tell them that CS is College of Science of UPD). We also hope you'll forward this to your e-groups with UPD students/alumni.

 

Kindly email them in the soonest possible time. Thank you for taking time to read this!

 

-Scientia staff


Posted at 01:18 pm by piNky
may sasabihin ka??  

Next Page



ako si
: :pinky: :
: :student: :
: :up diliman: :
: :bs biology: :
: :cuteMMCer: :
~mahilig sa bag
at mag-bowling
at sa moth
at sa butterfly
at kay pooh!~
~madaldal
pero mabait~
promise!
hehe!

<< October 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02
03 04 05 06 07 08 09
10 11 12 13 14 15 16
17 18 19 20 21 22 23
24 25 26 27 28 29 30
31



tAgbOaRd: LeAvE a meSsaGe!




the most wasted day is that in which we have not laughed...


~~friends' page~~

dan
fleur
fleur
ivy blossom
jesy
kathy
kyle
pong
randolf
viki
woody

~~atbp~~

Pi Sigma Delta Sorority
Pi Sigma Fraternity
UPMMC
my alma mater
peyups
line dance
friendster

~~more of ASOUE~~

the official site
the author
the movie
the mischief maker









HITS COUNT
Free Counter
Free Counter

back to the HOME page








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed