 |
 |
 |
|
Thursday, October 14, 2004
super text twist: it may be out of date, but i'm still playing it.
hearts: getting addicted to it.
spongebob collapse: pretty cute.
i don't know, it may seem odd for me, but i'm playing those games. at this age, well it really is odd. but don't you just love those mind tickling games? i do
STT: at first i had a hard time guessing the longest word in this game 'coz i really did not play text twist a lot, what more of super? it wasn't easy playing in action mode. but because it is sem break, i thought i should give it a try, and guess what, i'm currently playing it.
Hearts: i didn't really enjoy this game a lot before. i used to lose and never had a chance to shoot. when i happen to shoot the moon, it was by luck, and i really didn't understand what it meant. then one day i gave the help section a try and luckily i understood it, but never had a chance to shoot.. then when i joined an org, that was their past time so i got to play and play and play (but never won because they were good, and were humans). and after that, when i play against the computer, i win. silly old machine... hehehehe c",)
SBC: spongebob collapse is a cute one. when you reach a higher level, you get this excitement and intense feeling of happiness because of the game... i don't about you, but certainly i do.
at this age, few play those kinds of games. they all love role playing games and war games (even women). so, it really is odd. but who cares, i enjoy... and i don't spend money for that... c",)
Posted at 01:43 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
huhuhuhu.... baket hindi ko nakuha lahat ng gusto kong subjects??? huhuhu... kulang pa tuloy ako ng 6 units... sana ngayong second pre-enlistment period ay makuha ko na lahat... sana talaga... saka 2 subjects na lang naman yun eh... sana naman ay makuha ko na... huhuhuhu... yung kakilala ko, nakuha nila lahat ng gusto nilang subjects... huhuhu... sana naman this time ay makuha ko na rin... kahit na wala munang mst... basta kumpleto ko na ang 19 units, masaya na ko... huhuhu... sana talaga.... please...
Posted at 01:20 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Tuesday, October 12, 2004
grabe!! astig!! mahal ko na sila!! ang galing galing!! grabe... masyado akong nao-overwhelm ng movie na yun!! kasi, kakapanood ko pa lang ng movie na hackers dito sa bahay, at grabe!! ang galing talaga nila!!! isyet talaga!! ang galing!!! as in whoah!!! sobrang ang galing talaga!! hay... hindi naman sa gusto kong maging hacker noh!! masyado lang talaga akong na-amaze dun sa mga ginawa nila na sobrang kakabilib..naku, manood na kayo!! wahehehehehe!!!
Posted at 02:47 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
naku talaga ha... naiinis ako... paano ba naman kasi, yung kailangang magbasa ng sulat para sayo na article ay hindi pa nagbabasa... at sinasabing wala daw siyang internet card... pero pag tinitingnan ko naman sa friendster, last login within 24 hours! ewan...
hay... galing ako ng UP kahapon... at naging napakawalang kwenta ng pagpunta ko doon!! hindi naging productive!! nagpasa lang ako ng isang requirement, wala pa dun yung prof. iniwan ko na lang tuloy sa table niya!! tapos pinuntahan ko yung iba ko pang profs, wala rin! nasa bahay pa yung isa... yung iba wala pang grade.. naku... sayang ang pamasahe :(
buti na lang bukas ang tambayan... at least nagtagal pa ako dun.. hindi naman masyadong sayang ang pamasahe (medyo lang)... hehehe!! at ang maganda pa dun, hehe, nandun si _____. wahehehe... araw-araw yata naman siyang nandun eh!! hihihi
walang magawa... gusto kong bumalik ng tone!! may importante akong misyon sa pagpunta doon... :D at siyempre para bumalik na rin.. hehe
Posted at 11:07 am by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Saturday, October 09, 2004
grabe!! natapos din ang sem! hay... pero babalik pa ko sa UP, kasi kukunin ko pa yung mga classcards ko at siyempre magpapasa pa.. pero other than that, wala na!! as in break na!!! yahu!!
Posted at 07:22 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
i passed!!!!!!!!!!!! i passed!!!!!!!!!!!!
grabe!! member na ko ng org!!! ng MMC!!! yahoo!!! nalaman ko yun kahapon sa tambayan.. nung huli ko na nga lang napansin eh! kasi pagpasok ko, aral agad! ayun.. kaloka.. tapos sinabi sakin, ano yung nakasabit dun na may pangalan ng mga apps? eh parang birthday card na malaki... tapos pagbukas, jan-jan-jaaarrraaann!!! i'm in!! woohoo!!! o diba?? ang saya!! kaso magu-UCD pako eh.. pero, ayos lang yun!! hehe!!
grabe na ito.. di ko napost dito ang magandang balitang iyon dahil finals namin kanina sa math at kailangang mag-aral!! kaloka yung exam!! medyo madali.. actually madali yung iba.. pero may parts na nahirapan ako.. huhuhu...
hayy.. malapit na ang birthday ko! huwag ninyong kalimutang batiin ako ha!! lalo na sa mga taga-UP dyan dahil ito ay FIRST DAY OF CLASS!!! BIRTHDAY KO!! NOVEMBER 9, 2004! ok?? batiin ninyo koh!! hahaha!!
Posted at 05:27 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Friday, October 01, 2004
malapit na ang sem break...
ano kaya ang gagawin ko sa nalalapit na sem break? hmm.. sasama kaya ako sa outing nina M sa Laguna? gusto ko sana.. kaso di ako papayagan kasi 3 days and 2 nights siya.. huhuhu... mukha pa namang masaya dun kasi solo namin ang resort for the span of time na pagpunta dun.. at mura lang ang bayad.. cover na lahat.. may spa pa!! o diba??
sasama ba ako ng sem-ender? hmmm... gusto ko sana.. pero wala pa kasing definite na date eh. saka baka payagan lang ako pag sumama ang iba kong co-apps.. hehehe... pero gusto ko talaga...
saan kaya yung sem-ender? maganda kaya yung place? balita ko sa Laguna ata eh.. kina Perci.. hayy.. gusto kong sumama...
pero kapag di ako nakasama sa alin man sa dalawang yun, pupunta ako sa province! kahit saan.. para lang makapag-relax at ma-enjoy naman ang sembreak.. pero hopefully kasama ang aking mga beloved friends.. hehe..
ui, pag may iba pang mga puwedeng puntahan.. sabihan niyo ako!! hehe.. c",)
Posted at 09:28 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
for the benefit of my highschool friends...
hello sa inyo! grabe.. medyo matagal na rin tayong hindi nagkikita at nagkakausap.. so, ikukuwento ko na sa inyo ang mga nangyari sakin..
una, ano na nga ba ang nangyayari sa acads ko?
hmmm.. medyo masama yung lagay ng iba. una, math 17. mababa naman ang kailangan kong target grade as of the third exam.. mga 39% na lang ang kailangan ko. yung standing kasi namin after ng fourth exam ay hindi pa napo-post.
sa geol 11 naman, pasado naman ang exams ko at matataas ang quizzes ko pero mababa yun in relation sa grades ng classmates ko. tulad na lang ng second exam. 85% ako, pero merong naka-over 100%. haayy...
sa kas 1 naman, ewan ko. kung sa attendance at bonus ay marami ako niyan kasi sumama ako sa 2 field trip namin. sa quizzes, ewan. never pa siyang nagbalik ng results eh at hindi pa kami nage-exam maliban kanina. so ayun.. pero sabi naman ng mga MMCers na naging students ng prof namin, wala naman daw bumabagsak kahit todo bagsak ang exams nila at maraming absences.
sa ap 12, ok naman. most probably makaka-1.25 ako or higher.. haha! yabang.. hehe.. kasi nakita ko na yung standing ko eh.. kaya nape-predict ko na, maliban na lang kung magloloko ako sa case study.
sa philo 1, naku.. delikado.. pano kasi isa lang yung exam namin dun.. wala pang quizzes.. at nadarama kong mababa yung result ng exam kong yun. isa pa, yung finals namin book review.. at di ko pa nababasa yung book na yun...
at sa pe naman.. ok naman siguro.. most probably 1.25 or 1.5 ako.. sana.. hehe..
ayun.. sana naman maging maganda ang kalalabasan nitong sem na ito..
tungkol naman sa aking social life (naks!).. eto.. tapos na ang app period sa MMC.. pero may isa pa akong dapat gawin.. ang UCD.. hehe.. masaya naman dun.. mababait at kwela ang mga tao. basta, okay dun.. kaya JOMEL... lumipat ka na ng diliman! hahaha
hayy.. friends, naku.. miss ko na ang ating mga bonding moments.. ang mga lunch sa ikings.. mga tsismisan, mga kwentuhan, at kung anu-ano pang mga kalokohan na pinaggagagawa natin dati..
Posted at 09:13 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
ang araw na gusto kong sumigaw ng "aarrgghhhh!!!!!!”
whew! watta day! grabe na to.. 2 hours lang ang tulog ko.. natulog ako ng 4 AM kaninang umaga at nagising ng 6 AM. siyempre, sa pagkakataong ito, may sense na yung mga pinaggagawa ko.. nag-aral ako!! grabe to. supposedly, 4 ang subjects ko today pero yung isa kasi matagal nang walang pasok. yung remaining three, grabe.. puro long exams! hayy..
maaga akong umuwi kahapon para mag-aral.. pero dahil nga nagpuyat ako nung isang gabi dahil sa pagsusulat dito sa blog na ito, naisipan ko munang matulog. nagising ako mga 6:30 na. so ayun, todo aral agad. kaso may isang taong tumawag sakin.. naku, kung ordinary friend lang siya at mangungumusta lang eh walang pagdadalawang-isip kong sasabihin sa kanya na "pwede tumawag ka na lang ulit kasi nag-aaral pa ako eh." pero hindi!! kainis.. hindi ko ma-resist.. nakakahiya naman kasi minsan na nga lang siyang tumawag.. at isa pa, siya ang recipient ng "sulat para sayo.."
so ayun, ginabi na ako sa pag-aaral.. at hindi lang ginabi, inumaga pa!! at kahit na 4 AM ako natulog, math lang yung napag-aralan ko.. at sa kasamaang palad ay hindi ako nadalian sa exams.. nakalimutan ko kasing kumain ng chocolate.. huhu...
at pagkatapos ng exam sa math 17 na minadali ko pa dahil exam ko sa kas 1 right after nun, mega-takbo pa ko para bumaba at sumakay ng toki at tumakbong paakyat ng hagdan sa AS.. at pagdating ko dun.. guess what.. di pa nagsisimula kahit 10 minutes late nako..
at ang kas 1 na yun ay hindi ko napag-aralan. mabuti na lang multiple choice at true or false yung karamihan dun.. pero mahirap pa rin.. pano ba naman, sa dinami-dami ng readings ko sa kas, hindi ko naman nabasa lahat. tapos yung mga nabasa ko naman, hindi naman kasama sa scope ng exam na yun.. hay buhay... tapos meron pa siyang bagong readings na pagkadami-dami na nagsa-sum up sa 144.75 pesos.. o diba, ibig sabihin more than a hundred and fifty pages yun.. as if naman mababasa ko yun in one night..
hayy.. buti na lang at break ko kanina after ng kas 1.. kasi di pa ko nag-aaral kahit na isang word sa geol 11.. naku.. ang baba pa naman ng ibang exams ko dun.. at mahirap talaga siya.. grabe.. kahit na multiple choice lahat, 2 points each naman.. at guess what, wala rin siya sa readings namin.. huhuhu...
grabe.. ang saklap ng araw na ito.. at hindi pa rin ina-announce ang result ng application namin.. sa finals na lang daw ng math 17.. huhu.. october 9 pa yun...
Posted at 08:20 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Thursday, September 30, 2004
ilang araw na lang... october 1 na... ang araw na pinakahihintay naming mga apps... announcement na ng mga natanggap sa org... matatanggap kaya kaming lahat? meron kayang hindi? wala naman sana...
hay... sana naman oo... masaya sa org... mababait ang mga tao... at masayahin pa silang lahat... kaya nga laging masaya sa tambayan kasi makukulit lahat ng tao... hehe...
sabi nila mas masaya daw maging app.. siguro nga.. kasi pag app, kaunti ang obligations, at saka kahit medyo demanding ang app period, masaya pa rin.. saka exciting.. di ko ineexpect na magagawa ko yung mga nagawa ko..
pero, hindi pa rin yun ang huli.. the best(daw) is yet to come.. isang sem pa.. kung matatanggap..
sana naman matanggap kaming lahat... good luck co-apps!! hayy... sana matanggap tayong lahat... at sana maraming apps next sem para di kami kawawa ni jello kapag araw na ng pagsubok! c",)
Posted at 11:10 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
|
|
 |
|
 |
 |
 |
ako si : :pinky: : : :student: : : :up diliman: : : :bs biology: : : :cuteMMCer: : ~mahilig sa bag at mag-bowling at sa moth at sa butterfly at kay pooh!~ ~madaldal pero mabait~ promise! hehe!
|
 |
|