 |
 |
 |
|
Saturday, October 09, 2004
grabe!! natapos din ang sem! hay... pero babalik pa ko sa UP, kasi kukunin ko pa yung mga classcards ko at siyempre magpapasa pa.. pero other than that, wala na!! as in break na!!! yahu!!
Posted at 07:22 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
i passed!!!!!!!!!!!! i passed!!!!!!!!!!!!
grabe!! member na ko ng org!!! ng MMC!!! yahoo!!! nalaman ko yun kahapon sa tambayan.. nung huli ko na nga lang napansin eh! kasi pagpasok ko, aral agad! ayun.. kaloka.. tapos sinabi sakin, ano yung nakasabit dun na may pangalan ng mga apps? eh parang birthday card na malaki... tapos pagbukas, jan-jan-jaaarrraaann!!! i'm in!! woohoo!!! o diba?? ang saya!! kaso magu-UCD pako eh.. pero, ayos lang yun!! hehe!!
grabe na ito.. di ko napost dito ang magandang balitang iyon dahil finals namin kanina sa math at kailangang mag-aral!! kaloka yung exam!! medyo madali.. actually madali yung iba.. pero may parts na nahirapan ako.. huhuhu...
hayy.. malapit na ang birthday ko! huwag ninyong kalimutang batiin ako ha!! lalo na sa mga taga-UP dyan dahil ito ay FIRST DAY OF CLASS!!! BIRTHDAY KO!! NOVEMBER 9, 2004! ok?? batiin ninyo koh!! hahaha!!
Posted at 05:27 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Friday, October 01, 2004
malapit na ang sem break...
ano kaya ang gagawin ko sa nalalapit na sem break? hmm.. sasama kaya ako sa outing nina M sa Laguna? gusto ko sana.. kaso di ako papayagan kasi 3 days and 2 nights siya.. huhuhu... mukha pa namang masaya dun kasi solo namin ang resort for the span of time na pagpunta dun.. at mura lang ang bayad.. cover na lahat.. may spa pa!! o diba??
sasama ba ako ng sem-ender? hmmm... gusto ko sana.. pero wala pa kasing definite na date eh. saka baka payagan lang ako pag sumama ang iba kong co-apps.. hehehe... pero gusto ko talaga...
saan kaya yung sem-ender? maganda kaya yung place? balita ko sa Laguna ata eh.. kina Perci.. hayy.. gusto kong sumama...
pero kapag di ako nakasama sa alin man sa dalawang yun, pupunta ako sa province! kahit saan.. para lang makapag-relax at ma-enjoy naman ang sembreak.. pero hopefully kasama ang aking mga beloved friends.. hehe..
ui, pag may iba pang mga puwedeng puntahan.. sabihan niyo ako!! hehe.. c",)
Posted at 09:28 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
for the benefit of my highschool friends...
hello sa inyo! grabe.. medyo matagal na rin tayong hindi nagkikita at nagkakausap.. so, ikukuwento ko na sa inyo ang mga nangyari sakin..
una, ano na nga ba ang nangyayari sa acads ko?
hmmm.. medyo masama yung lagay ng iba. una, math 17. mababa naman ang kailangan kong target grade as of the third exam.. mga 39% na lang ang kailangan ko. yung standing kasi namin after ng fourth exam ay hindi pa napo-post.
sa geol 11 naman, pasado naman ang exams ko at matataas ang quizzes ko pero mababa yun in relation sa grades ng classmates ko. tulad na lang ng second exam. 85% ako, pero merong naka-over 100%. haayy...
sa kas 1 naman, ewan ko. kung sa attendance at bonus ay marami ako niyan kasi sumama ako sa 2 field trip namin. sa quizzes, ewan. never pa siyang nagbalik ng results eh at hindi pa kami nage-exam maliban kanina. so ayun.. pero sabi naman ng mga MMCers na naging students ng prof namin, wala naman daw bumabagsak kahit todo bagsak ang exams nila at maraming absences.
sa ap 12, ok naman. most probably makaka-1.25 ako or higher.. haha! yabang.. hehe.. kasi nakita ko na yung standing ko eh.. kaya nape-predict ko na, maliban na lang kung magloloko ako sa case study.
sa philo 1, naku.. delikado.. pano kasi isa lang yung exam namin dun.. wala pang quizzes.. at nadarama kong mababa yung result ng exam kong yun. isa pa, yung finals namin book review.. at di ko pa nababasa yung book na yun...
at sa pe naman.. ok naman siguro.. most probably 1.25 or 1.5 ako.. sana.. hehe..
ayun.. sana naman maging maganda ang kalalabasan nitong sem na ito..
tungkol naman sa aking social life (naks!).. eto.. tapos na ang app period sa MMC.. pero may isa pa akong dapat gawin.. ang UCD.. hehe.. masaya naman dun.. mababait at kwela ang mga tao. basta, okay dun.. kaya JOMEL... lumipat ka na ng diliman! hahaha
hayy.. friends, naku.. miss ko na ang ating mga bonding moments.. ang mga lunch sa ikings.. mga tsismisan, mga kwentuhan, at kung anu-ano pang mga kalokohan na pinaggagagawa natin dati..
Posted at 09:13 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
ang araw na gusto kong sumigaw ng "aarrgghhhh!!!!!!”
whew! watta day! grabe na to.. 2 hours lang ang tulog ko.. natulog ako ng 4 AM kaninang umaga at nagising ng 6 AM. siyempre, sa pagkakataong ito, may sense na yung mga pinaggagawa ko.. nag-aral ako!! grabe to. supposedly, 4 ang subjects ko today pero yung isa kasi matagal nang walang pasok. yung remaining three, grabe.. puro long exams! hayy..
maaga akong umuwi kahapon para mag-aral.. pero dahil nga nagpuyat ako nung isang gabi dahil sa pagsusulat dito sa blog na ito, naisipan ko munang matulog. nagising ako mga 6:30 na. so ayun, todo aral agad. kaso may isang taong tumawag sakin.. naku, kung ordinary friend lang siya at mangungumusta lang eh walang pagdadalawang-isip kong sasabihin sa kanya na "pwede tumawag ka na lang ulit kasi nag-aaral pa ako eh." pero hindi!! kainis.. hindi ko ma-resist.. nakakahiya naman kasi minsan na nga lang siyang tumawag.. at isa pa, siya ang recipient ng "sulat para sayo.."
so ayun, ginabi na ako sa pag-aaral.. at hindi lang ginabi, inumaga pa!! at kahit na 4 AM ako natulog, math lang yung napag-aralan ko.. at sa kasamaang palad ay hindi ako nadalian sa exams.. nakalimutan ko kasing kumain ng chocolate.. huhu...
at pagkatapos ng exam sa math 17 na minadali ko pa dahil exam ko sa kas 1 right after nun, mega-takbo pa ko para bumaba at sumakay ng toki at tumakbong paakyat ng hagdan sa AS.. at pagdating ko dun.. guess what.. di pa nagsisimula kahit 10 minutes late nako..
at ang kas 1 na yun ay hindi ko napag-aralan. mabuti na lang multiple choice at true or false yung karamihan dun.. pero mahirap pa rin.. pano ba naman, sa dinami-dami ng readings ko sa kas, hindi ko naman nabasa lahat. tapos yung mga nabasa ko naman, hindi naman kasama sa scope ng exam na yun.. hay buhay... tapos meron pa siyang bagong readings na pagkadami-dami na nagsa-sum up sa 144.75 pesos.. o diba, ibig sabihin more than a hundred and fifty pages yun.. as if naman mababasa ko yun in one night..
hayy.. buti na lang at break ko kanina after ng kas 1.. kasi di pa ko nag-aaral kahit na isang word sa geol 11.. naku.. ang baba pa naman ng ibang exams ko dun.. at mahirap talaga siya.. grabe.. kahit na multiple choice lahat, 2 points each naman.. at guess what, wala rin siya sa readings namin.. huhuhu...
grabe.. ang saklap ng araw na ito.. at hindi pa rin ina-announce ang result ng application namin.. sa finals na lang daw ng math 17.. huhu.. october 9 pa yun...
Posted at 08:20 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
Thursday, September 30, 2004
ilang araw na lang... october 1 na... ang araw na pinakahihintay naming mga apps... announcement na ng mga natanggap sa org... matatanggap kaya kaming lahat? meron kayang hindi? wala naman sana...
hay... sana naman oo... masaya sa org... mababait ang mga tao... at masayahin pa silang lahat... kaya nga laging masaya sa tambayan kasi makukulit lahat ng tao... hehe...
sabi nila mas masaya daw maging app.. siguro nga.. kasi pag app, kaunti ang obligations, at saka kahit medyo demanding ang app period, masaya pa rin.. saka exciting.. di ko ineexpect na magagawa ko yung mga nagawa ko..
pero, hindi pa rin yun ang huli.. the best(daw) is yet to come.. isang sem pa.. kung matatanggap..
sana naman matanggap kaming lahat... good luck co-apps!! hayy... sana matanggap tayong lahat... at sana maraming apps next sem para di kami kawawa ni jello kapag araw na ng pagsubok! c",)
Posted at 11:10 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
ui! musta na? grabe ha.. kailangan pang mag-blog para masulat ko to. it's been half a year since we last saw each other.. ano na kayang nangyari sayo?
balita ko masaya ka nman daw.. ang daming nagsasabing mabait ka, masayahin, malakas mang-trip.. di ka pa rin nagbabago.. it's been half a year, ganun ka pa rin..
balita ko rin na magaling ka raw sa class niyo. good for you. di ka pa rin nagbabago.. matalino ka pa rin.. it's been half a year, ikaw pa rin ang dating mong sarili..
kumusta ka na kaya? may nililigawan ka na bang iba? what's new? hindi ka naman nawawalan ng love life eh.. kahit na dati ayaw mong aminin na may feelings ka pa rin sa girl na bumasted sayo.. or dun sa girl na tinuring kang hanggang friend lang.. o dun sa isa na pinakawalan mo at hindi ko alam kung bakit.. siguro dahil sa third party.. sana tinanggap mo na lang yung fourth party.. ako..
binasa ko yung friendster mo.. ang dami mong bagong friends.. meron ka ring mga bagong testi mula sa mga classmates mo ngayon.. mukhang masaya ka talaga ha.. masaya ka.. kahit wala ako..
paano na yung dati? siguro nga naawa ka lang sakin kaya nagkaroon ako ng part sa puso mo.. naaalala mo ba yun? nung election para sa core group? tandang-tanda ko pa yun.. "keep the music playing" pa nga yung topic nun.. tapos bigla kang nag-share.. yung tungkol sa atin.. hindi ko nga alam yung relevance nun sa topic pero all ears naman ang lahat ng nandun para makinig sa kwento mo..
pero natatandaan ko rin na may nagtanong ng "are you planning to make a move?" sabi mo, <em>hindi</em>. ok.. sige lang.. walang kaso sakin.. pero alam mo ba, na kinumusta pa tayo ni tito at tita sa ating club moderator para lang malaman kung ano na ang status natin.. pero, wala..
sige na.. naiiyak nako.. at kailangan ko pang mag-aral.. papaka-nerd na lang ako, as usual..
Posted at 10:54 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
hayy... eto ako.. nagawa ko pang mag-blog.. samantalang 3 ang long exams ko sa friday at hindi pa ako nag-aaral.. inaatake na naman yata ako ng katamaran.. pero, on another thought, hindi naman siguro.. aarghh!!! kailangang aminin sa sarili na tinatamad ako!! tinatamad ako!! grr... dapat bukas mag-aral na ako ng kas at kaunting geol. tpos math sa gabi. pagkatapos ng exam sa kas mag-aral para sa geol dahil break.. tama.. ganun na lng.
ano ba itong ginagawa ko? sharing my nonsense thoughts.. oh well, ano naman kung nonsense? minsan talaga maganda sa utak ang mag-isip kahit na wala namang iniisip kasi nalilinis ang utak! haha! yuck! ano ba tong mga iniisip ko..
hayy.. currently ay nakapalabas sa tv ang it might be you.. akalain mong nanghaharana lang siya ay naka-limo pa.. huwaw!
well anyway, enough of these nonsense.. oras na para magsulat ng matino!
Posted at 10:24 pm by piNky
ano? pakiulit nga ulit!
|
|
 |
|
 |
 |
 |
ako si : :pinky: : : :student: : : :up diliman: : : :bs biology: : : :cuteMMCer: : ~mahilig sa bag at mag-bowling at sa moth at sa butterfly at kay pooh!~ ~madaldal pero mabait~ promise! hehe!
|
 |
|