Thursday, September 30, 2004
matatanggap kaya ako?

ilang araw na lang... october 1 na... ang araw na pinakahihintay naming mga apps... announcement na ng mga natanggap sa org... matatanggap kaya kaming lahat? meron kayang hindi? wala naman sana...

hay... sana naman oo... masaya sa org... mababait ang mga tao... at masayahin pa silang lahat... kaya nga laging masaya sa tambayan kasi makukulit lahat ng tao... hehe...

sabi nila mas masaya daw maging app.. siguro nga.. kasi pag app, kaunti ang obligations, at saka kahit medyo demanding ang app period, masaya pa rin.. saka exciting.. di ko ineexpect na magagawa ko yung mga nagawa ko..

pero, hindi pa rin yun ang huli.. the best(daw) is yet to come.. isang sem pa.. kung matatanggap..

sana naman matanggap kaming lahat... good luck co-apps!! hayy... sana matanggap tayong lahat... at sana maraming apps next sem para di kami kawawa ni jello kapag araw na ng pagsubok! c",)


Posted at 11:10 pm by piNky
6 na ang umalma  

sulat para sayo...

ui! musta na? grabe ha.. kailangan pang mag-blog para masulat ko to. it's been half a year since we last saw each other.. ano na kayang nangyari sayo?

 

balita ko masaya ka nman daw.. ang daming nagsasabing mabait ka, masayahin, malakas mang-trip.. di ka pa rin nagbabago.. it's been half a year, ganun ka pa rin..

 

balita ko rin na magaling ka raw sa class niyo. good for you. di ka pa rin nagbabago.. matalino ka pa rin.. it's been half a year, ikaw pa rin ang dating mong sarili..

 

kumusta ka na kaya? may nililigawan ka na bang iba? what's new? hindi ka naman nawawalan ng love life eh.. kahit na dati ayaw mong aminin na may feelings ka pa rin sa girl na bumasted sayo.. or dun sa girl na tinuring kang hanggang friend lang.. o dun sa isa na pinakawalan mo at hindi ko alam kung bakit.. siguro dahil sa third party.. sana tinanggap mo na lang yung fourth party.. ako..

 

binasa ko yung friendster mo.. ang dami mong bagong friends.. meron ka ring mga bagong testi mula sa mga classmates mo ngayon.. mukhang masaya ka talaga ha.. masaya ka.. kahit wala ako..

 

paano na yung dati? siguro nga naawa ka lang sakin kaya nagkaroon ako ng part sa puso mo.. naaalala mo ba yun? nung election para sa core group? tandang-tanda ko pa yun.. "keep the music playing" pa nga yung topic nun.. tapos bigla kang nag-share.. yung tungkol sa atin.. hindi ko nga alam yung relevance nun sa topic pero all ears naman ang lahat ng nandun para makinig sa kwento mo..

 

pero natatandaan ko rin na may nagtanong ng "are you planning to make a move?" sabi mo, <em>hindi</em>. ok.. sige lang.. walang kaso sakin.. pero alam mo ba, na kinumusta pa tayo ni tito at tita sa ating club moderator para lang malaman kung ano na ang status natin.. pero, wala..

 

sige na.. naiiyak nako.. at kailangan ko pang mag-aral.. papaka-nerd na lang ako, as usual..

Posted at 10:54 pm by piNky
24 na ang umalma  

first time...

hayy... eto ako.. nagawa ko pang mag-blog.. samantalang 3 ang long exams ko sa friday at hindi pa ako nag-aaral.. inaatake na naman yata ako ng katamaran.. pero, on another thought, hindi naman siguro.. aarghh!!! kailangang aminin sa sarili na tinatamad ako!! tinatamad ako!! grr... dapat bukas mag-aral na ako ng kas at kaunting geol. tpos math sa gabi. pagkatapos ng exam sa kas mag-aral para sa geol dahil break.. tama.. ganun na lng.

 

ano ba itong ginagawa ko? sharing my nonsense thoughts.. oh well, ano naman kung nonsense? minsan talaga maganda sa utak ang mag-isip kahit na wala namang iniisip kasi nalilinis ang utak! haha! yuck! ano ba tong mga iniisip ko..

 

hayy.. currently ay nakapalabas sa tv ang it might be you.. akalain mong nanghaharana lang siya ay naka-limo pa.. huwaw!

 

well anyway, enough of these nonsense.. oras na para magsulat ng matino!


Posted at 10:24 pm by piNky
may sasabihin ka??  




ako si
: :pinky: :
: :student: :
: :up diliman: :
: :bs biology: :
: :cuteMMCer: :
~mahilig sa bag
at mag-bowling
at sa moth
at sa butterfly
at kay pooh!~
~madaldal
pero mabait~
promise!
hehe!

<< September 2004 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30



tAgbOaRd: LeAvE a meSsaGe!




the most wasted day is that in which we have not laughed...


~~friends' page~~

dan
fleur
fleur
ivy blossom
jesy
kathy
kyle
pong
randolf
viki
woody

~~atbp~~

Pi Sigma Delta Sorority
Pi Sigma Fraternity
UPMMC
my alma mater
peyups
line dance
friendster

~~more of ASOUE~~

the official site
the author
the movie
the mischief maker









HITS COUNT
Free Counter
Free Counter

back to the HOME page








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed