ansaya ng party ng bio kahapon! wooh!! xbox to the max kami!!! astig talaga! simula ata umaga nagsimula na sina dino. kami naman nag-sm muna tapos after nun, pumunta na kami sa kanila at ayun, mega-laro hanggang sa matuto. hahaha.
masaya naman siya. masaya talaga actually. although may bitterness ako kasi una sa lahat ay umalis ako ng maaga. di kasi ako pwede sa mga overnights. wag niyo na lang itanong dahil lalo akong maiinis at malulungkot.
siyempre malungkot rin ako kasi di ko naabutan yung nabunot ko. parang yun ung pinaka-highlight ng christmas party diba? ang exchange gift? kaso di ko siya naabutan eh. ang lungkot talaga. well sana magustuhan niya kahit nagpalit siya ng wish.
anyway, ang natanggap ko ay ang stainless longganisa ni bob ong. hehe. ayos naman ung book kaso di ko pa tapos eh. di bale, tatapusin ko. hehe.
ayun. at siyempre, sad rin ako (pero wala na itong kinalaman sa party) dahil siyempre nga, sakit sa puso. kung pwede ko lang sabihin sa kanya ito:
"ano ka ba? manhid ka ba? hindi mo ba alam na ikaw? haler?! tinatanong mo pa kung sino, alangan naman sabihin ko sayo at sa harap ng iba pa na ikaw. hay naku."
pero siyempre, di ko gagawin yan dahil di ko kaya. kahit pa makapal ang mukha ko sa pagpapa-extend ng exams, deadlines and all, pagdating sa mga ganyang bagay, di ko talaga kaya. hay.
Posted at 02:54 pm by piNky