yebah! bakasyon na talaga! tapos na ang summer classes, tapos na rin akong mag-finals! yeah! hindi ko makakalimutan ang summer na ito!
nakakaloka ang bio 102. kaya pala nung nalaman ng iba nung enrolment na yun ang isa-summer ko, sabi nila, "pinky, nagpapakamatay ka ba?" now i know. pero ayos na rin. sa 1st sem, sila naman ang sasabihan ko, "nagpapakamatay ba kayo?" isabay ba naman kasi nila sa bio 101, sa chem 40 at sa elective (kung pinalad silang makakuha). haha.
i love bio 102! dahil sa kanya, numb nako sa exams! bibigyan niyo ako ng 5? i want more!! nyahahahha! 10 kaya ang exams namin. tapos instead of 4 weeks ang class namin, 3 weeks lang dahil may seminar ang mga mahal naming guro. tapos instead of 5 days, 4 days lang dahil 4 day workweek sa IB nung summer. so 2 1/2 hrs ang lec tapos 5 hrs ang lab. san ka pa? sobrang marathon ito. hahaha. pati exams namin marathon din. 1 or 2 days lang ang gap ng exams tapos kung mag-exam kami, 2-3 times a week. isn't that great? nyahahaha.
nag-finals tuloy ako. di ko kinaya. haha. tinulugan ko kasi ang pag-aaral ng first exam ng lec. di ko kinaya ang 120 pages ng 1 gabi. haha. bagsak tuloy ako. dahil rin sa 102 natuto akong wag matulog ng 24 hours para mag-aral buong gabi hanggang umaga. ayos.
immune na rin ako sa baho ng wiping solution (na ini-ispray). malakas na rin ang sikmura ko. at natuto rin akong kumain sa lab kahit na maraming buto sa paligid. nawalan rin ako ng social life. puro 102 people ang nakakasalamuha ko, tapos sila rin lang ang tinetext ko dahil importante, maliban dun, wag na. busy ako. haha.
wow. i love bio 102. isang malaking pasakit sa buhay na kapag nalagpasan mo na, isang malaking tinik na matatanggal. hahahaha.
***
pahabol na bakasyon
BAKASYON NA!!!!!!!! may swimming daw ang ofc. sana matuloy kahit late na. hehe.
yebah! makakapag-enjoy at makakatulog na naman ako kahit 1-2 weeks lang. yey!
Posted at 03:19 pm by piNky