Thursday, September 01, 2005
feel-kwa

andito ako ngayon sa feel-kwa. san ba un? sikreto...

himala! hindi ako sa bahay gumagawa ng entry. pano kasi, walang panahon sa bahay. pagdating ko dun, aral na ako agad... hay... kaya eto... blogging sa feel-kwa. kesa naman kumain ako ng pagkatagal-tagal, e di mag-computer naman! hehe.

nararamdaman ko na ang pwersa ng kalangitan. eto na naman ang vruum vruum ng langit. hay. uulan na naman. pano naman magiging napakasarap ng ice cream kung malamig ang panahon?

teka, parang walang kwenta ang pinagsususulat ko rito. tsk tsk.

***
walang title

sa panahon ngayon, bawal ang magkasakit. mahal ang mga gamot. kaya, wag lalabas ng bahay. magkulong sa kwarto. mag-exercise. kumain ng sapat. wag manood ng tv ng buong araw. bente kwatro oras. hahaha. sabi nga, masama sa katawan ang manood ng tv buong araw kaya wag manonood ng 24 oras. hahaha.

***
welga ako

eto, political statement ko.

bakit ganun tayo? gusto na nating i-impeach si gloria? este ang mga tao pala. hindi pala ako kasama dun.

kung bumoto ako nung 2004 elections, si gloria ang iboboto ko. basta gusto ko lang.

oo, siya nga ang nasa hello garci tape. boses niya yun. pero kahit inamin niya yun, nakakasiguro ba tayong nadaya tayo? nasisiguro ba nating ginawa nga ni garcillano yung sinabi ni gloria? pano kung nagsinungaling si garci? at saka, hindi ba pwedeng manalo siya? bakit, si erap nga nanalo at alam naman nating hindi siya nandaya at nanalo siya dahil malakas siya sa masa, pero na-impeach pa rin siya. isipin niyo yun, gusto na ng taumbayan, naimpeach pa! nasisiguro ba natin na hindi talaga gusto ng tao si gloria nung eleksyon? ngayon galit ang mga tao, dati rin naman nagalit ang tao kay erap pero aminado silang siya ang binoto nila. tsk tsk.

isa pa, puro na lang tayo rally. kung ako rin ang president, papabayaan ko na ang mga nagrarally. wala na akong pakialam sa kanila. bakit? napakarami na nila! hindi ba nila nare-realize na wala nang sense ang ginagawa nila?

kahit nga sa up, naiinis na ako kapag may rally. oo nga, minsan masaya dahil nasususpend ang class, pero minsan nakakaasar na kasi nasasayang ang araw natin. sayang ang binabayad para sa tuition.

sa mga nagtatrabaho pero laging nagrarally, bakit ganon? bakit hindi na lang nila ayusin ang mga trabaho nila? baka sakaling mas marami pa silang perang kitain. saka para na rin matulungan ang ekonomiya natin. hindi ba nila nare-realize na sa sobrang gulo na ng bansa, walang nang nag-iinvest sa atin? lalo tuloy naghihirap ang mga tao. tapos reklamo pa ng reklamo, hindi na lang magtrabaho.

saka wala naman silang napapala dahil hindi naman nila nakukuha ang gusto nila, nasasaktan pa sila. sayang lang ang pagod. saka puro sila sabi ng sabi ng EDSA, eh wala na rin namang sense ang ginagawa nila. nawawala na ang spirit ng totoong EDSA.

sinabi sa tv, whatever happened to our honor? tama yun. wala na ngang honor sa gobyerno, pati taumbayan kinakalimutan na ang honor nila.

ang gulo na ng bansa natin. lahat kasi nagrereklamo, lahat nagsasalita, walang nakikinig. nakikinig lang tayo sa mga pagkakamali ng ating administrasyon. ang media rin naman kasi. bakit kapag pagkakamali, masyadong highlighted sa balita? eh bakit kapag tumaas ng konti ang piso o kaya naman bumaba ang presyo ng langis, hindi naman ganun ka-emphasized? diba nga dapat mas binibigyang importansya ang magagandang balita para naman mabigyan ng hope ang mga tao? okay rin naman ang mga sensational news pero sana bawasan ang paggawa ditong sensation.

hay naku. tama na nga to. baka may sumugod na sa bahay ko.

Posted at 06:12 pm by piNky

 

Leave a Comment:

Name


Homepage (optional)


Comments




Previous Entry Home Next Entry



ako si
: :pinky: :
: :student: :
: :up diliman: :
: :bs biology: :
: :cuteMMCer: :
~mahilig sa bag
at mag-bowling
at sa moth
at sa butterfly
at kay pooh!~
~madaldal
pero mabait~
promise!
hehe!

<< September 2005 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03
04 05 06 07 08 09 10
11 12 13 14 15 16 17
18 19 20 21 22 23 24
25 26 27 28 29 30



tAgbOaRd: LeAvE a meSsaGe!




the most wasted day is that in which we have not laughed...


~~friends' page~~

dan
fleur
fleur
ivy blossom
jesy
kathy
kyle
pong
randolf
viki
woody

~~atbp~~

Pi Sigma Delta Sorority
Pi Sigma Fraternity
UPMMC
my alma mater
peyups
line dance
friendster

~~more of ASOUE~~

the official site
the author
the movie
the mischief maker









HITS COUNT
Free Counter
Free Counter

back to the HOME page








If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed