ang araw na gusto kong sumigaw ng "aarrgghhhh!!!!!!”
whew! watta day! grabe na to.. 2 hours lang ang tulog ko.. natulog ako ng 4 AM kaninang umaga at nagising ng 6 AM. siyempre, sa pagkakataong ito, may sense na yung mga pinaggagawa ko.. nag-aral ako!! grabe to. supposedly, 4 ang subjects ko today pero yung isa kasi matagal nang walang pasok. yung remaining three, grabe.. puro long exams! hayy..
maaga akong umuwi kahapon para mag-aral.. pero dahil nga nagpuyat ako nung isang gabi dahil sa pagsusulat dito sa blog na ito, naisipan ko munang matulog. nagising ako mga 6:30 na. so ayun, todo aral agad. kaso may isang taong tumawag sakin.. naku, kung ordinary friend lang siya at mangungumusta lang eh walang pagdadalawang-isip kong sasabihin sa kanya na "pwede tumawag ka na lang ulit kasi nag-aaral pa ako eh." pero hindi!! kainis.. hindi ko ma-resist.. nakakahiya naman kasi minsan na nga lang siyang tumawag.. at isa pa, siya ang recipient ng "sulat para sayo.."
so ayun, ginabi na ako sa pag-aaral.. at hindi lang ginabi, inumaga pa!! at kahit na 4 AM ako natulog, math lang yung napag-aralan ko.. at sa kasamaang palad ay hindi ako nadalian sa exams.. nakalimutan ko kasing kumain ng chocolate.. huhu...
at pagkatapos ng exam sa math 17 na minadali ko pa dahil exam ko sa kas 1 right after nun, mega-takbo pa ko para bumaba at sumakay ng toki at tumakbong paakyat ng hagdan sa AS.. at pagdating ko dun.. guess what.. di pa nagsisimula kahit 10 minutes late nako..
at ang kas 1 na yun ay hindi ko napag-aralan. mabuti na lang multiple choice at true or false yung karamihan dun.. pero mahirap pa rin.. pano ba naman, sa dinami-dami ng readings ko sa kas, hindi ko naman nabasa lahat. tapos yung mga nabasa ko naman, hindi naman kasama sa scope ng exam na yun.. hay buhay... tapos meron pa siyang bagong readings na pagkadami-dami na nagsa-sum up sa 144.75 pesos.. o diba, ibig sabihin more than a hundred and fifty pages yun.. as if naman mababasa ko yun in one night..
hayy.. buti na lang at break ko kanina after ng kas 1.. kasi di pa ko nag-aaral kahit na isang word sa geol 11.. naku.. ang baba pa naman ng ibang exams ko dun.. at mahirap talaga siya.. grabe.. kahit na multiple choice lahat, 2 points each naman.. at guess what, wala rin siya sa readings namin.. huhuhu...
grabe.. ang saklap ng araw na ito.. at hindi pa rin ina-announce ang result ng application namin.. sa finals na lang daw ng math 17.. huhu.. october 9 pa yun...
Posted at 08:20 pm by piNky